Feeling ko po yata may masakit sakanya.

Hello mga mommies, ano po kaya dahilan bakit ungot ng ungot yung one month old baby ko. Tulog siya, pero maririnig mo yung boses niya yung parang may masakit sa kanya. Meron po kaya talaga? Nakakaawa po eh. Medyo mainit din po siya. Chineck ko naman temperature niya 37.3 , na experience niyo na din po ba yan sa baby niyo? Salamat po sa sasagot malaking tulong.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello mi. Ganyan din baby ko she is 1 month and 13 days na. smula paglabas nya hilig nya na tlga mag unat with grunting sound pa tas mamumula ang face. ngayon everytime mag uunat sya me kasama pang utot. Chineck na ng pedia namin, sb nya normal and eventually mawawala dn yun habang lumalaki sla. minsan ksi yung pag unat and grunt me kinalaman sa digestion ☺️

Magbasa pa
2y ago

nagpacheck din po kami sa pedia. wala naman nakita sa kanyang sakit or what. totoo nga siguro sabi ng matatanda. " lagnat laki lang yan " 😁 thank God 2 days siya nilagnat. okay na siya ngayon. nakakapag alala kasi, 9yrs nasundan panganay ko. kaya parang bago lang ang lahat. 🤣