Nausea and vomiting

Mga mommies ano bang tips para ganahan pa rin kumain at di malipasan ng gutom? Lahat ng kinakaen ko sinusuka ko lang nag aalala na ko kay baby. ☹️ I'm on my first tri, Team Aug. *sa wed pa kasi first check up at transV ko gawa ng holiday na no OB na* TIA.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same with my case po... try po maligamgam na water dn every morning. nung nagtake po ako nyan kasabay ng sky flakes, tapos mga pagkaing may sabaw umayosayos po pakiramdam ko.... grabe kasi po ako magsuka as in ubos laman ng tyan (ung suka is acid na) kaya khit ayaw ko kumaen pinipilit ko dn..... meron dn ako nkita sabi daw ice cream pero kung di kaya ngaun kasi sobrang lamig wag mu take hehe

Magbasa pa

Skyflakes po kinakain ko pag nagugutom in between meals kahit 1 pc lang pero yung binili ko was oatfiber skyflakes para may nutrients kahit papano. It helps din na kumain ng mga ulam na medyo may asim like sinigang or fish na may kalamansi, nakakatulong magcontrol ng nausea.

Advise sakin ng OB ko pilitin kahit skyflakes maya maya kahit di ka makaubos ng isang pack sa isang kainan lang, putol ka lang ng paonti onti na kaya mo

may nabasa ko article na dapat before ka bumangon sa kama at least meron ka crackers na kainin. also super effective sakin ang kalamansi juice

Same tayo mommy ung mga fav food ko ayaw ko na dn kainin. Team aug here. nag hahanap lang ako pagkakaabalahan pra magutom ako

Same dito mi, ang payo po sakin ng doctor chunk eating po para kahit papano may nakakin pa rin po.