1 month and 11 days postpartum

Mga miii ako lang ba dito yung madaling mairita at magalit? Naaasar kasi ako kay hubby pag madaling araw na nagigising si LO tapos hihingi ako ng help sa kanya kasi nahihirapan akong ako lang nagaasikaso kay baby kaya ang tendency nasusungitan ko siya. May times na pag kaya ko naman din na ako lang mag isa, di ko na siya ginigising para din makapagpahinga siya since he’s working Mondays to Saturdays, habang ako naka maternity leave. Bumabawi din naman siya minsan pero di ko lang maiwasan magsungit. Nakokonsensya din ako pag nasisigawan ko siya. #1sttimemom

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pag-usapan nio about sa pagtutulungan nio kay baby. para alam nia nararamdaman mo. monday-saturday din hubby ko, iba-iba pa ang shift. kapag umiyak na si baby, gising na rin sia. salitan kami sa pagpapatulog kay baby. ako magpapadede. sia na ang magpapaburp. tutulog nako. ihihiga na lang nia sa tabi ko. kapag ang tagal na hindi pa rin makatulog si baby dahil umiiyak, ako muna papalit.

Magbasa pa

yes i agree pag usapan nyo magkaroon kayo ng agreement hahaha asawa ko din may work mon to Saturday, 7-4pm, 530 na sya nakakauwi sa bahay, so from 6 to 12am sya ang naka duty ky baby, ako na sa madaling araw hndi ko na sya gigisingin nun pero mdalas ako tlga kahit sya naka dutyπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ kasi hndi nya mapatulog hahahaha pero sya nagpapaburp.

Magbasa pa