Biyenan kong nakakainis Hahahha

Hi mga mii. Pa rant naman ako here ! Ftm ako at Nasa puder kasi ako ng asawa ko at kasama ko sa bahay ang mama niya. After 3mos ,bumalik na ako ng work siince naka Mat-leave lang ako ,at siya nagaalaga sa baby ko. Gustuhin ko man ipaalaga sya sa mama ko kaya lang nagwowork din . Normal ba yung nararamdaman ko, Sobra akong naguguilty pag iiwan ko sya lalo yung thoughts na baka mas maging close pa si LO ko sa biyenan ko soon 🥺 Nakakainis yung madalas pag uuwi ako sasabihin sakin, ganto pala yung gusto niyang pwesto, ganito pala yung ayaw niya etc.. Na kung ano man yung nakasanayan kong gawin sa LO ko nung ako pa nagalalaga sa kniya binabago niya lahat 🥺 na para bang mas alam niya ang gagawin, at feel ko sa ganong ginagawa niya, inaagawan niya ako ng role bilang nanay. Hindi ko alam kung normal ba yung feeling na ganon. Naiiniss ako 😤🥺 Nalulungkot ako everytime na magpopost pa siya nag video ng baby ko na siya ang kasama. Pero goods kami ng byenan ko po, mabait ang byenan ko sakin hindi ko lang maiwasan mainis na ganong part 🥺 Ganito rin ba kayo mga mii? Oh baliw na ako Hahahaha

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako ata ang baliw. tuwang tuwa ako pag may nadidiscover si MIL sa changes ni baby 🤣. tapos gusto ko nga ipost sya palagi sa fb ni MIL. gustong-gusto ko naririnig yung MIL ko na ipagmayabang apo nya sa friends nya. kahit pag may okasyon gusto nya sya may karga kase pogi si LO. ok lang sa'kin. proud na ako bilang mama, nakakakain pa ako ng maayos 😅🤣🤣🤣😂 kapag may sinasabi o tinuturo sila Opo lang ng Opo pero piliin pa din yung gustong sundin na alam mong makakabuti kay baby.

Magbasa pa

Siguro naiinis ka sa sarili mo mii kase iniisip mo ikaw dapat gumagawa nun imbes na byenan mo. Di mo sya masisisi eh syempre sya kasama ng LO mo maghapon,ganyan tlga. Isa yan sa cons ng pagiging working moms,yung milestone development ng anak mo di mo na matutukan in the end parang di na ikaw ang nanay niya. Pwede mo nman ipagpaliban muna ang pagwork at magfocus nalang sa baby mo,dapat kase tlga pag LO pa nanay ang nag-aalaga kase dun palang sya nagdedevelop lalo na ang memories.

Magbasa pa

Maswerte po kayo. Ako po FTM din pero di ko naramdaman sa byenan ko na mag alala para samin ng baby ko. Never niya ngang gustuhin na kargahin sa labas kapag nagkikita kami. Kinakarga lang niya kapag picture taking. Pero kapag aalagaan, never. Kaya napakaswerte niyo at may mga mababait kayong byenan na handang magsakripisyo para sa apo niya. Ending, andito kami sa sarili kong nanay. Kasi mas maalaga talaga ang sarili nanay ko sa apo niya.

Magbasa pa

Hindi ka naiinis sa biyenan mo, naiinis ka sa sarili mo mommy. Kase ikaw dapat nag aalaga at nakaka experience ng mga yun pero di mo magawa kase need mo mag work. Gusto ko din mag work pag 3 or 6 months na si baby. Willing naman si MIL alagaan siya na wala kapalit. Pero like you, torn din ako kase ayoko sana siya ipaalaga sa iba. Iniisip ko pa if mag work ako tas bayadan ko si MIL sa pag alaga. Or mag hands on muna ako. 🤔

Magbasa pa

Maswerte ka nga may nag aalaga at nagmamalaskit sa anak mo, d tulad ko. Ayaw alagaan ng byenan ko ang anak ko, pag pumupunta kmi sa bahay nila, d man lng inaasikaso anak ko.. iniiwan n lng sa harap ng tv, nanunuod mag isa anak ko.. Maswerte ka may mbait kang byenan, pag ikaw siguro katulad ng byenan mo ang byenan ko, mas maloloka ka.. maging thankful ka nlng kasi may nag aalaga sa anak mo.

Magbasa pa
2y ago

Kaya nga, anak mo yun tapos parang obligasyon pa ng biyanan mong mag alaga sa anak mo diba? LOL.

VIP Member

Maswerte ka mahal nang byenan mo yung anak mo at inaalagaan nya ng maayos. Hirap kung parehas sa iba na ayaw na alagaan pinababayaan ka. Look at the brighter side nalang. Natural lang na maging close sila kasi sya yubg nag aalaga at ikaw nasa trabaho ka except kung mag resign ka at piliin mong mag full time. Ikaw parin naman ang ina, sya lola naman sya at mahal talaga ng mga lola apo nila.

Magbasa pa

Hahah baliw ! Cguro why ? Maayos kaba magisip ? D nmn obligasyon ng byenan mo alagaan yan anak mo oo apo nya pero bkit pinpalabas mo pa na masama un byenan mo haha kung naagawan ka ng role bilang nanay e pagsabayin mo un pagaalaga sa pagttrabho haha d hamak na mas nkkpagod mag alaga kasi bntyn mo payan may mangyre pa jan ang sisi e kay lola or kumuha ka ng katulong nyo wag ung lola jusko

Magbasa pa

guilt yan be and insecurities. normal maramdaman yan lalo na kung iisipin mo na dapat ikaw ang nag aalaga kay baby mo, pero in the other side maswerte ka at inaalagaan ng byenan mo ang baby mo without hesitation . yung iba kasi kelangan pa iapaalaga ang baby nila sa ibang tao atleast yan family member padin kahit paano makakapante kang maalagaan talaga. ☺️ be positive po💖

Magbasa pa

mi same tayo, ganyan din naramdaman ko nung una, 7 mos na si LO ko now, and I don't work, pero close pa rin si LO sa grandparents nya sa side ni asawa, and I think it's a good thing, kasi hindi kami nahihirapan sa kanya, pag ayaw tumigil ng iyak, rerescue na ang lolo at lola nya, nakakpahinga kami ni asawa kahit papaano. ehhehe mabait pati sila at kasundo ko rin naman

Magbasa pa

valid naman yan mom guilt at jealousy. pero sis look at the bright side. ang swerte mo may nagaalaga na di ka magwoworry. sa akin napakahirap kasi once lumabas na baby ko dalawa ba bbantayan ko after shift ko panggabi pa ako. so gusto ko man matulog di ko magawa. napakahirap maghanap yaya na mapagkakatiwalaan. wala kmi maiiwanan na tito or tita or byenan nila.

Magbasa pa