Bad dreams 😭
Mga mii last mens ko po is feb 8, and nagpa utz po ako nung march 27 since nag positive po ang pt ko. Pero sobrang liit pa daw sabi no doc kaya balik daw ako after two weeks. Napag desisyonan ko po na sa Saturday na lang bumalik. Sobrang kinakabahan po kasi ako na baka walang makita. Kasi nanaginip po ako kagabe na turning 9weeks na daw ang tummy ko and nagpa utz daw ko pero walang nakitang baby. Sobrang iyak ko daw sa partner ko at sa papa ko. Kahit nung nagising ako umiiyak na ako ng sobra. Ano po kaya ibig sabihin nun mga mii? Parang natatakot na akong magpa utz kasi baka magkatotoo yung panaginip ko. 😭meron po bang naka try sa inyo ng ganito? Nag ppt po ako every 3 days to make sure na positive parin, sa sobrang takot ko.