Panglinis ng poop ni baby

Hello mga mii. FTM here po. Tanong ko lang po sana kung anong hamit niyo pang wipe or panglinis ng pwet ni newborn LO everytime na magpoop siya? Wipes or cotton po? Any advice po pls. Worry ko kasi baka nagagasgas yung skin niya since madalas siya magdiaper change due to execretion of merconium. Salamat nang marami sa sasagot.

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa baby ko momsh wet wipes gamit ko nong una pero naging reddish ng slight yong skin niya, kaya pinalitan ko ng warm water at cotton. Don naging maayos basta tuyuin mo pong mabuti bago mo suotan ng diaper. Ako pag pinapalitan ko siya ng diaper pagkatapos komg malinisan di ko kaagad sinusuotan ng diaper para masingaw or mapreskuhan muna private area ni baby.

Magbasa pa