May kasamang dugo ung discharge after mag do Ng partner pero konte lang naman

Mga Mii 8 weeks preggy Po ako . Di Naman ako maselan . Kagabi Po nag do kami Ng bf ko then after nun pag cr ko pag punas ko sa tissue Nakita Kong may kasamang dugo Yung discharge ko pero konte lang naman Hanggang ngayong Umaga pag gising ko nag cr ako at nagpunas ulit May Kasama ulit konteng dugo . Delikado Po kaya yon mga Mii ? O baka nabigla lang kagabi kasi matagal bago kami nag do ulit simula Nung nalaman naming buntis na ako . Salamat mga mii

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

usually subchorionic hemorrhage yung ganyan, pero better sched ng TVS kung red blood na yan at pareseta na agad ng pampakapit. Ganyan dn ako around 7weeks, yung sakin nga light brown lang and super konte as in pero dahil praning ako dahil ngkamiscarriage nako last year, agad ko sinabihan si OB at binigyan ng pampakapit for 2weeks and bedrest. Then ngayon at 10weeks na, pa 11weeks na biglang my ganon ulit light brown discharge na super konte at ayan umiinom na naman ng pampakapit 😅 para sure talaga dahil takot ako, my sched na dn bukas for check up ky OB at mghhingi ng request for TVS. Grabe pagkapraning ko na, ayaw ko na mawala si baby sakin ngayon🥺

Magbasa pa

Delikado yan kahit pa konti lang. Ibig sabihin nga nyan maselan ka. Maselan man o hindi di muna dapat nakikipagsex pag 1st tri pa lang. Di normal na mag spotting during pregnancy lalo nasa 1st tri ka pa lang. Yang dugo na yan pwedeng sign ng subchorionic hemorrhage. Punta na sa OB mo asap.

Mi, pacheck up ka na po asap. Tiis tiis po muna na walang do kay hubby para iwas aberya nadin. Go to your ob na po para mabigyan po kayo ng pampakapit na gamot. Pwede naman kayo mag do as per advise ni ob kapag malapit ka na manganak

na Ask ko din po yan knina dapat daw po pag 1st tri. wala daw muna DO. kasi nag Cocontrast ung natris at may tendency na malaglag si baby kasi kasyang kasya pa sya sa butas. Ingat po.

punta napo kayo agad sa ob nyo mahirap napo baka lumakas po dugo nyo.wag nyo napo hintayin na mngyari yun.iwasan dw po muna makipag do lalo pg 1st trimester.

1st tri is crucial po. You should've waited po pero sa ngayon ang magagawa po ninyo ay magpunta sa OB para masabi po ninyo ang nangyari. ☺️

Lalo tuloy ako natakot, huhu tiis tiis muna kesa magkaproblem. 🥲