Batang mabigat ang kamay

Hi mga mie, paano ko kaya didisiplinahin ang 2yo boy ko? Nasanay sya na kapag nakikipag laro, namamalo at ang sakit nya mamalo, akala nya laro lang ang pagpalo, nagagawa nya yun sa kahit sino, matanda, mga toddlers na kalaro nya, at pati sa baby na 8mos old lang. Always ko sinasabi na Bad yun at nakakasakit sya, pero lagi nya pa din nagagawa. Yung mga nag aalaga sa kanyang iba tinatawanan lang sya kapag namamalo para sa kanila ayos lang, pero dumating sa point na napalo nya yung tito nya(kapatid ng partner ko) na hindi naman sya naaalagaan, so parang ang dating sa kanila is salbahe ang anak ko. Ano po kayang dapat gawin para matigil na yung ganitong habit nya? #pleasehelp #firsttimemom #advicepls

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hitting is part of a child's growth. way to release his emotions dahil hindi pa niya maexpress ito thru words, etc. every time it happens, talk to your kid. caretakers should also be parallel to your rule about it. kung papagalitan ang bata, lahat kayo dapat ay yan ang gagawin tuwing mamalo ang bata. another thing is children mimic adults. namamalo po ba kayo or anyone na nag aalaga sa kanya? kasi ginagaya niya po yan from actions ng adults. if you refrain from doing it, it might change. talk with the kid again and again and establish a consequence every time it happens.

Magbasa pa
2y ago

Yes po, minsan napapalo ko dahil hindi talaga sya nadadala sa pagsaway. But I'm trying my best na maiwasan nga yun coz I know na nagagaya nya rin nga sa mga adult lalo na sakin na Mom nya. Another thing pa is, meron syang cuzin na 2years ang gap nila and 1yo pa lang si LO ko, pinapatulan na sya ng pinsan nya as in palo at tadyak, kaya nilalayo ko sya sa pinsan nya na yun kasi baka dun nya din nakuha ang pag palo palo na akala nya laro lang yun.. ngayon todo saway ako sa kanya pag ginagawa nya yun, pinapakita ko sa ibang tao pra pag ginawa sa kanila, sawayin din nila at wag nila itolerate.. pag tinatawanan kasi nila, akala ng LO ko entertaining ang ginagawa nya kaya inuulit ulit nya.