Subchorionic hge

Hello mga Mie, good morning.. sino po ang nakapag try dito may nakitang subchorionic hemorrhage sa ultrasound? Nakayanan Nyo Poba ng baby Nyo until delivery? Kumusta po kayo ni baby? ? Ano po ba ung mga sintomas sa Inyo? Meron kasi ako eh, at palaging sumasakit tagiliran ko, minsan sa puson, nakakapanghina ng loob, sabihan ka ng dr. Mo na may possible daw na Makunan ako ulit😢 nakunan kasi ako last Feb. 28 gusto Kona kasi masundan panganay ko , naawa ako walang kalaro. #nong Sept. 27 pa itong ultrasound ko. #3mos. & 2 Days preggy.

Subchorionic hge
8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Nakita subchorionic hemmorage ko mii nung 6 weeks ako, 2 weeks ako nag pampakapit thru pwerta nun, tapos nawala after a week. bumalik ulit after 3 weeks, nagpampakapit ulit ako for 2 weeks twice a day, 13 weeks 4 days na ako now at nag pa ultrasound kanina. Wala na daw hemmorage thank God, ang ginawa ko po bed rest na for 2 months as in babangon ka lang para kumain, umihi tumae maligo, at once a week lang ako kung bumaba sa hagdan, kahit work mii sa kama ako nasandal minsan nakahiga para di maipit tyab ko, wfh kasi ako kaya keri lang na mag bed rest kahit nag wowork. Have a support system din po na di ka nila papakilos sa bahay, wag ma pa stress at umiwas sa mga issue or kwento na nakakastress. Kaya nyo po yan miii

Magbasa pa

bed rest ka muna mi as in bed rest at iwas stress , as in higa ka lang muna mghapon Kasi pag glaw ka Ng galaw lalong llaki ung hemorrhage mo . binigyan ka ba ng ob mo Ng pampakapit? Kasi need mo pampakapit para kumapit si baby. keep safe mi

before po kasi dun sa 2nd and 3rd child ko may ganyan din po ako pero minimal lang kaya advise lang ng ob ko iwas stress after a week naman po pag pa ultrasound ko ulit nawala na un subchorionic hemorrhage.

1y ago

yes po same bed rest lang po Talaga.

Yes po mii ganyan ako nung 1st trimester pina bed rest po ako at pina take ng pampakapit 15 weeks napo ako ngayon praying for all goods🙏🏻❤️

12mo ago

yes po Mie, hanggang ngayon nag take parin ako ng pangpakapit going 16 weeks na Tiyan ko .

maliit lang naman po mi need mo lng bedrest para dina lumaki kasi pag lumaki yan ng kasing laki ni baby may possibility po talaga ng miscarriage

My take duphaston very effective

1y ago

sa akin po heragest one a day.

same situation momsh 🥲

same case mommy🥲

1y ago

kaya natin to Mie. para sa baby natin