Madaling Araw Moments
Hi mga mi... It's past 3 in the morning today and kakatapos ko lang umiyak. Umiyak ako kasi sobrang thankful ako na binigyan ako ni Lord nang napakagandang regalo. (18 weeks pregnant). 5 years na kaming kasal ni hubby at takot akong maging nanay noon dahil hindi pa ako handa. Tapos nung sinabi ko Kanya na handa na ako, ipinagkaloob niya agad sa akin. To God be the glory po talaga. Ngayon unti-unti ko nang naiintindihan ang saya bilang nanay. Kahit na mahirap, pero masarap maging nanay. 😭 Naiiyak din ako mga mi kasi nandun din po yung gusto ko magsama kami hanggang sa dulo nang pregnancy journey namin. First time ko siyang makita nang buo sa utz kanina at yung mga ipinagdasal ko ay natupad naman. Maganda raw ang kanyang spine, brain, diaphragm and others. 😭 Sana magkasama pa rin kami hanggang sa huli. 😭#firsttimemom
Excited FTM