Hi mga mi! Pa rants lang po, baby ko po kasi is turning 7 months na this coming April and ang kilo nya is 6.8 kg , btw girl po ang baby ko.
Meron po kasing kapatid ang asawa ko na lalaki ang may baby din sila which is 4 months old baby girl din, 6.5 kg na po yung 4 months na yun and naiinis po ako kasi palagi na lang cinocompare ng mama ng asawa ko yung weight nilang dalawa even height mas matangkad daw yung anak ng kapatid nya. Naiinis ako mga Mi, nakaka frustrate and depressing sa part ko kasi 7 months na anak ko pero ganun palang ang kilo samantalang yun is 3 months na pero nahahabol na ang kilo sa anak ko.
Maselan din po kasi anak ko sa gatas, may halak po sya and di ko pa rin po nahahanap yung gatas na para sa kanya. Eh dun sa isa Bonna lang ang iniinom pero angbigat na 🥺🥺
Valid po ba tong nararamdaman ko or parang mali na to at masyado na kong maraming iniisip 🥺🥺