5 months preggy

Mga mi pa-advice naman, 5mos na tummy ko pero para lang akong bundat sa busog. Monthly check up and i asked my ob, normal naman size ni baby. Nai-stress lang ako pag sinasabi na ang liit ng tummy ko.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

baka po matangkad ka? same sakin. pag matangkad po mas malaki po space ni baby sa loob kaya parang maliit lang yung tyan natin. meron akong nabasa dito sa app ganon daw yun. pang 3rd pregnancy ko na ganon parin maliit talaga tyan ko pag nag bubuntis 😆

okay lang yan, mommy. as long as sabi ni OB na okay and normal lahat. wala naman sa size yan. ako naman parang kabuwanan na sa laki, pero ako lang yung mataba, normal din daw laki ni baby. 😅

baka naman maliit ka lang talaga mag buntis. ako din 5mos preggy na maliit lang akong babae pero maliit lang din tummy ko. ganito din ako sa 1st child ko mas maliit pa nga

Wala naman pong dapat ikastress basta okay si baby sa loob. Wag mo na lang intindihin mga nagsasabi sayo na maliit tummy mo. Lalaki din naman yan

naultrasound ka na mi? ako kasi di pa kaya di pa alam qng normal size ni baby.. ang liit dn ng tummy ko going 5mos. huhuhu

kaka-utz ko lang. maliit din tummy ko. pero normal size naman si baby sa age niya at ok development niya. 🩷 18wks here.