37 weeks 3 days EDD:SEPT 7, 2024

Hi mga mi na team September na full term na. May nakaraos na ba sainyo? Share exp naman po pangpawala kaba lang 🥰

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

edd ko sa ultrasound September 8, nanganak nako nung august 21 🥹 nung august 14 1cm nako tapos 19 pinainum nako evening primrose 1cm padin ako nun tapos august 20( 9 pm) nang gabi ng lalabor nako august 21 ng madaling araw mga (4:30 am) pumunta nako sa lying in kasi hindi kona kaya yung sakit at may may dugo na din kasama ng 8cm agad at nanganak nang (6am) thanks god talaga nakaraos ng safe🫶 safe delivery sainyo team September ♥️

Magbasa pa
2w ago

team sep 9 hehe. ako din sep 9 nagpa schedule ng cs para lucky number :)

team sept. mii nkaraos na nung aug.26 ... july 26 nag 1cm na ko peo close cervix hangang mag aug.19 stock 5cm dhil makunat ang cervix ko advice ni midwife sken sex daw 😅 nung una auko pa kac baka bigla lumabas c baby habang lam mo na 🤣, peo nung aug.26 ng morning mejo active na construction ko nlagyan na n midwife kiffy ko ng primrose mejo my harang pa kac sa cervix ko, den pagdating ng 5:06pm nanganak na ko 😅

Magbasa pa

Sept. 2 EDD 2cm as of yesterday. Naiinip na rin ako kakahintay, naglakad ako ng malala kahapon pag uwi ko may konting pinkish discharge. Di muna ko nag punta ng clinic wala din kasing pain. Sana makaraos na mas nakaka kaba pag lumagpas ng due date 🙏🏻🙏🏻 good luck sating lahat 😊

Sept 11 edd. 5cm as of now pero matigas pa cervix, niresetahan ng primrose ako pa din daw masunod if magtake ako or hintayin na lang natural na hilab/labor. May mga jelly like discharge na ko makakapal. Waiting lang kailan gusto ni baby hehe

EDD ko sept 6, august 15 2-3 cm palang ako pero na emergency cs kasi nag 140/100 ang bp. For confinement lang sana that day kaso nagreach na ng 150/100 ang bp wala pang isang oras after ng first bp. 2 weeks old na ngayon ang aking LO 🥰

2w ago

active labor na po kasi ako non ng di ko alam kaya tumaas bp ko, which is normal naman daw talagang tumaas ang bp pag naglilabor. Kaso di daw po normal yung ganong kataas pag di pa naman fully dilated. Until now 2 weeks na me nakalabas mataas pa din dugo ko, may pinainom na sakin na gamot walang effect 🥹

@jeirina Marie, Ako nga din po nakaubos na po ng 3 banig ee kaya pinatigil nila ko hehe masobrahan Naman daw po 😅 pero di ko sinabi na naglalagay Ako Isang capsule sa Gabi pero di na ko nag tetake ng oral..

sept 10 EDD sa sobrang hirap na ikilos ang katawan,gusto ko na tlaga manganak kaso c baby mukhang chill chill pa sa loob ng tyan ko,stock din sa 1cm

team September 💙 36wks close pa si cervix 😬 pinapapili na ko ng date ni OB 1st week ng sept. for sched CS . wala pa ko madesisyunan na date 😬😬

2w ago

sep 9 kanalang din para lucky 9 yung number 9.9

same edd. nextweek na tayo. but sinet ko na sep 9 ma cs kinakabahan ako sa injection ng cs at cs itself. . .pray lang na makaraos din

EDD ko mi Sept. 8 heheh. Panay paninigas ng tyan ko, braxton hicks daw sabi ni doc. Excited na rin na kinakabahan