Toxic na partner
Hello mga mi. Kwento lang sana ako pahingi rin ng advice π’ Labas muna ako dito nag hinanakit ko hehe. Mga mi, di ko alam kung ako ba yung toxic o yung partner ko. Kase mga mi nung bago pa kami wala pa kaming isang buwan meron akong nagawa na di maganda sa relasyon namin which is nag cheat ako once lang. After nyan nalaman nya nag cheat ko nag away kami at tsaka nag hingi naman ako ng sorry sakanya mi at chance at nagsabi nadin ako sakanya na nag sisisi na ako sa ginawa ko kaya ayusin namin. Hanggang sa ngayon mga mi pag meron lang sya maisipan na kahit ano-ano palagi nya binabalik saakin yun na ginawa ko. Kahit sya naman mga mi gumawa din na mag cheat kase sabi nya gusto lang daw nya mag ganti. Tinanggap ko lahat mi ng ginanti nya saakin. Nagbago naman ako dahil sakanya ngayon, wala na akong gnagawa. Ang problema ko lang mga mi, hanggang ngayon eh kahit buntis ako palagi nya binabalik. Pinagsabihan nya pa ako na "may dinadala ka ngayon dapat mag bago kana" nasaktan ako mi kase alam kung buntis ako at wala na talaga akong gnagawa sakanya. Pagod na ako mga mi na iistress ako kase meron akong bata na dinadala. Nahihirapan na ako. Kahit ako makapagsabe ako sa kanya na enough na lahat na pinapakita ko, sya sguro may problema na hindi nya ako kayang ipatawad mga mi. Hay nako. Pa help mga mi. Advice nyo na stress si buntis hehe