Magaan si baby

Hi mga mi, bakit kaya magaan si baby ko mixfed sya pero mas marami ang breastmilk nya, nestogen naman formula nya. 4 months na sya tapos 6kilo last timbang nya. Nasa isip namin magasawa pahaba kasi sya malaking tao kasi kami parehas ganun isip namin haha Sa formula kaya nya? Or may posibilidad ba yung breastmilk ko walang sustansya naririnig ko na kasi yan eh nakakawalang gana tuloy. Pa suggests naman po formula milk nakakataba except po sa bonna hindi po kasi sinasuggest ng pedia namin nung first checkup, now naman di kami makapunta pedia pra lang itanong tamang formula milk suggestion nya similac, nan saka nestogen feeling ko di na nya gusto nestogen. tips naman po #firstbaby #firstmom #firsttimemom #pleasehelp #advicepls

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

breaatmilk is the best milk po for 0-2yrs old. Kahit itapat mo yan sa Pinakamahal na FM. napacheckup nyo na po ba baby nyo? sbi dto sa chart normal naman weight nya. saka aanhin mo matabang anak kung sakitin naman? merong payat na malusog. Hnd lahat ng mataba ay healthy. depende pdin yan sa genes nyo. Mahalaga within normal weight sya sa age nya at hnd sakitin. common sa breastfeed baby na hnd tabain kasi 90% ng breastmilk is water. Unlike sa FM na mataas ang sugar content. Pedia namin sinuggest nya samin na breastfeed ang anak ko kasi un tlaga ang the best. Mdaming nutrients at antibodies ang breastmilk na wlaa sa formula. Kung kaya mo mag exclusive breastfeed do it. mag reasearch ka pa about breastfeed pra hnd ka nagwoworry. Anak ko hnd sakitin, Naniniwla kasi ako sa good benefits ng breastfeed.

Magbasa pa

4 months din baby ko mi, mix din kami. S26 pink yung gatas niya pero more on breastfeed kami. 2 bottles lang siya sa maghapon. 6.1 kls timbang niya. Normal naman po sabi ng pedia niya and sa center. As long na hindi sakitin anak ko, I'm happy kahit na mas mataba pa ibang baby sa kanya :))

maam best milk po ang breastmilk from nb to 2yrs old. kahit mag palit kpa nang pinaka mahal na gatas. d na makukuha ang sustansyang makukuha nya sa breastmilk mamsh. kaya d masyado matimbang si baby siguro po kasi ualang maraming sugar yung breastfeeding mom d unlike sa formula milk po.

TapFluencer

Wag ka mawalan ng gana nasa normal range naman si baby same lang samin ni wifey. Mix feed din sya tska tuloy lang yung every 3 to 4 hrs inom nya Formula man or breastmilk. Think positive 😊

Same din sa baby q mi,.. Similac ang gatas nya.. 6.2 ang last check up nya.. Nakakangalay din hawakan si baby.. Ok lng ng payatin basta hindi nagkakasakit..