Hi mga mi, ask ko lang po.
Yung anak ko po kasi since newborn may halak halak po sya, nitong nakaraang araw pina check up po namin gawa ng nilagnat at may ubo. Edi binigyan ng mga gamot ng doktor tapos si byenan naman po sabi wag daw lagi paliguan . (3x a day po kasi namin sya minsan paliguan gawa ng sobrang init ngayon) sabi baka daw kasi pasukin ng lamig ang baga. Wag din daw sobrang linis kasi nagkakasakit lang ang bata.
Mali po ba yung pagpapaligo ko ng 3x a day minsan. Take note minsan lang po sya 3x a day madalas 1 beses sa isang araw sya maligo.