Sign of labor na ba to? Manganganak na ba ako? FTM

Hello mga mi 39 weeks 6 days Kaninang umaga nasakit bakalang at puson ko, tapos ngayon may gantong discharge ako Sign na ba to ng labor.

Sign of labor na ba to? Manganganak na ba ako? FTM
8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Share ko lang mommy yung experience ko. Kakapangananak ko lang netong May 26, 4:46AM. Never ako nakaramdam ng pain maliban nalang nung mismong May 26 around 2:30AM. Nung una, parang natatae lang ako then, tumae pa ko. After nun, biglang sumakit yung lower back ko then may interval na siyang 1min. Binilang ko hanggang umabot sa anim na beses na yung back pain na never kong naranasan. Ayaw ko pa sanang magpatakbo sa ospital gawa ng nag-aantay pa ko ng ibang signs gaya ng pagputok ng panubigan or mas intense na pain. Kaso, sabi ng asawa ko, dalhin nalang ako sa ospital dahil 1hour away pa ko sa ospital. Habang nagta-travel kami around 3:30AM dun ko naramdaman yung sakit ng likod na halos manginig na yung buong katawan ko. Diko na kayang tiisin. Then, pagka-IE sakin ng OB, nagulat sila kasi fully dilated na ako kaya deretso na ako agad sa OR. Dipa dumarating yung OB sa delivery room, nalabas na yung ulo ng baby ko. Nag-start ako mag-labor around 2:30AM, 4:46AM lumabas na si baby.

Magbasa pa