Mahirap po pala pag may Sariling pamilya na🥺
Hello mga memsh mag kkwento lang po ako, Ako po ay kasal na sa asawa ko ngayon at meron na pong anak, at ngayon po naglilihi na naman bale 4 yrs po niyan ang age gap nilang dalawa ng baby ko. Ngayon po napapansin ko na wala po talaga kaming naiipon at gustong gusto ko na po talagang bumukod ang sabi lang saken ng asawa ko mahirap daw dipa kaya wala pang ipon. ehh memsh wala po talaga kaming maiipon kung lahat ng sahod niya mapupunta sa pamilya niya saknila po kasi kami ngayon nakatira at sya nagbabayad sa kuryente internet, motor na kinuha naming hulugan, Magbibigay pa pang kain. Haysss ang hirap po talaga sana pala nagipon muna ako bago nagkaasawa mahirap po kasi yung dipa stable yung pamumuhay 🥲 Alam niyo mga memsh nanghihinyang ako sa buhay ko dapat noon kasi sana kukunin na ako ng ate ko sa norway kasi di natuloy kasi nagka baby na kami. Mga gabi na naiisip ko mga failures ko naiiyak nalang ako. Pero pinapanalangin ko kay Lord na malalagpasan ko din to