Sa public hospital din po ako nag decide na manganak ngayong kabuwanan ko na. Nung una sa private oby ako nagpapacheck up pero dahil kapos na rin kami sa budget nag decide na ko na sa public na, may pera sila pero kami mag asawa wala. Sila rin nag suggest before na sa private na ako manganak kahit pa Maternity lying in pero same sayo, ayaw ko mahirapan kami sa gastos sa panganganak at may punto rin po kayo na hindi lang dun ang gasto sa panganganak may other expenses pa, nag decide rin ako na mag be breast feeding ako para maka less kami mag asawa. Nakatulong yung pag open up ko sa kanila na inirelate ko yung sitwasyon nila nuon nung baby pa lang kami. Nagtatanong ako sa kanila kung anong ginawa nila para ma survive nila pinag daanan nila ayun, awa ng Diyos naintindihan naman na nila kami. Yung pag titipid ko sa panganganak sa ibang gamit ni baby ko nalang muna inilalaan. Kaya dun naman kami medyo hindi nagkakasundo 😂
Anonymous