Sleeping routine ni baby

Hello mga mamsh. Big problem ko po ito ngyon naawa ako kay baby kasi ang tulog nya ay 6 to 7 hours lang sa 24H grabe po sya mamuyat. Ito po ang routine nya 1am sleep gising 4am dede then 6am gising na tuloy tuloy na. 9am tulog gising 11am then repeat to 1am na ulir ng madaling araw. May problem po ba sa kanya? Napacheck up ko na sa pedia ang sabi ay normal daw feeling ko di na normal ito mas mahaba pa tulog ng matanda kesa s knya e. Tayo nga 8 hrs sleep minsan antok p sa hapon. Pa help advice pls #advicepls #pleasehelp

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Establish po kayo sleeping routine ni baby, mommy. nung newborn si baby ko, till 1 month ganyan sya. Mas madami pa gising kesa sa tulog. Nakakasleep lang sya pag nilalagay ko sya sa dibdib ko. Ang ginawa ko, 2 times a day ko siya pinapaliguan. Umaga at gabi. at pag sleep sya sa gabi, patay yung ilaw, may lamp lang na nakabukas pero malayo po saknya. Diretso sya magsleep sa gabi. Gigising lang to feed. Around 7-7:30pm naliligo na sya. (minsan late n nkakaligo mga 8pm na) Bihis, konting laro, dede time till 9pm. Around 10-11pm, lights out na. Gigising sya around 4-5am to feed tas sleep ulit. Gising na nya is 8-9am. libang libang onti, play time. Around 11am-12nn, bath time na nya. then sleeping time niya from 2-4pm.

Magbasa pa
TapFluencer

normal lang yan mi. pa iba2 kasi sleeping routine ng mga baby. si baby ko nung 1-2 months niya gising sya from 10pm to 8am tas tulog from 9am to 9pm. tapos now na 3 months na gising sya from 8am to 7pm iyak pa ng iyak ayaw palapag tas himbing tulog from 8pm to 8am. wait mo lang mi next time iba naman sleeping routine ni baby

Magbasa pa