ANO KAYANG PROBLEMA?
Hello mga mami. Kahapon, humihilab na yung tyan ko na para akong kinakabag at nagtatae ako. Dinala ako sa ospital for check up at nagrun sila ng tests for my stools and urine. Pero turns out na wala namang problema. Since wala namang problema sa results, hindi nila ako binigyan ng reseta o gamot para sa pagtatae. At dahil don, napilitan akong maconfine for observation. And now, 2nd tests na ito for my urine and stool, pero wala paring problema, nagrequest for ultrasound narin at wala ring problema. Hanggang ngayon, humihilab at nagtatae parin ako. Sa january 14-24 pa ang EDD ko. Pero in-IE ako kahapon, at ang sabi ay nasa 2-3cm na daw. Pero dipa naman pumuputok panubigan ko at hindi parin ako dinudugo. Ano kaya sa tingin nyo mga mi ang problema at sino ng mga nakaranas nito? Gusto ko narin kasing umuwi. Salamat sa sasagot!