Pahingi ng opinyon nyo mga mi.

Hi meron po akong dalawang baby isang mag 18 months (normal delivery) at isang mag 6 months (Emergency CS) girl and boy sila. Ngayon kase panay pagtatalo kami ng tatay ng mga anak ko halos magmurahan kami magsigawan to the point nababato ko na sya ng mga gamit na madampot ko tas gaganti rin sya saakin. 8 years age gap namin sya 33 ako naman 25. Ang hirap pala talaga pag masyadong malaki age gap lahat big deal sakanya. Nag tatalo kami even paglalabas kaming pamilya kahit na murahan walang paawat. Kaya mas pinipili ko nalang sa bahay kesa lumabas kase kahit nasaan kami loob, labas ng bahay puro pagtatalo. Sabi ng mama ko kapag aawayin nya ako wag nalang daw ako pumatol kaso may mga below the belt na kase syang sinasabi lalo sa pagiging nanay ko. Tamad, pabayang ina may mga panlalait pa sya sakin na nkakasakit narin talaga. Paano ba ako naging pabayang ina kung buong buhay ko itinuon ko na sa mga anak ko ni pagligo ng maayos at araw araw dko na magawa dahil ubos na oras ko sa pag aalaga at pagaasikaso sa bahay. May oras na mag sosorry sya sa ginawa nya pero babalik nanaman yung ugali nya once na nag away kami kaya minsan di ko alam kung totoo paba pag hingi nya ng sorry. Dumating sa punto na gusto ko na umalis sa puder nya kaso iniisip ko mga anak ko galing ako sa broken family at ayoko maranasan din yun ng mga anak ko. Hindi ako makapag trabaho gawa ng yung pangalawa kong anak 6 na buwan pa lang at wala akong kamag anak na mapag iiwanan saknila. May trabaho ako sa BPO nuon pero nung nabuntis ako sa panganay ko nagka threaten miscarriage ako at need mag bedrest at uminom ng pampakapit kaya nag resign ako that time. Gusto ko nalang mamahinga ng mahabang mahaba kaso paano mas kailangan ako ng mga anak ko. Pagod na ako. Sumusuko na ang katawan at utak ko pero yung puso ko yung patuloy na nagsasabi na lumaban akong mabuti para sa mga anak ko. Di ko alam san na ako lulugar mahigpit na yakap nalang talaga ang ginagawa ko sa mga anak ko para maibisan manlang yung lungkot na nararamdaman ko. Sila rin ang dahilan bakit d na ako suicidal person dahil diagnose ako ng bipolar nung teen years ko dahil sa pangmomolestya ng kuya ko sakin nung bata pa ako. Dala dala ko ang trauma na yun pero kahit paaano rin nawawala ang atensyon ko kapag kasama ko ang mga anak ko. Sana lang di na bumalik yung mental health issue ko dahil alam ko sa sarili ko kapag na triggered ang sakit kong to di din maganda ang khihinatnan ko. #plsrespect

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

virtual hugs mii. mahirap yung ganyan po. siguro bigyan nyo ng oras mag-asawa ang pag-uusap po ng masinsinan. sabihin mo po ang nararamdaman mo at ganun din sya, para mas maunawaan nyo ang isat isa ng ayos.

Magbasa pa
7mo ago

thank u mi