Team December pa welcome po 😊

Meet my l.o Name: Jasmine Caitlyn Via Normal Delivery Weight: 2.6kgs Labor: 1 day πŸ˜ͺ Yung halos 10x ka ma i.e bago mo mailabas si baby kasi nauna yung dugo sakin, kaya nagpa admit na agad ako sa lying in kahit no pain pa ako, mayat maya nila ako ina i.e, kada i.e sakin tumatagal ng mga 10mins, traumatized na ko halos pag dadating yung doctor at midwife iba iba nag i-i.e sakin nung December 3 ng gabi hanggang sa December 4 ng umaga i.e ako every 2 hours kasi no pain talaga..hanggang sa tinurukan na ko ng pampahilab, and ayun nag labor na ko.. Mahirap yung labor, diko marealize ngaun na baby's out na akala ko di ko kakayanin kasi maliit daw sipit sipitan ko, pero worth it ung sakit kahit 11/10 sya mommies, sacrifice talaga pero nung nakita kong lumabas na si baby nakatitig lang ako sa kanya habang hawak sya ng midwife kahit tinatahi pa ko nung time na yun balewala na ung sakit basta nalaman kong okay na si baby, sa team December jan, good luck po and have a safe delivery #1stimemom #firstbaby

Team December pa welcome po 😊
20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wow congrats po mommy. Gusto ko na din makaraos. 39 weeks and 4 days na po ako ngyaon. Nung last Monday close cervix pa pero lagi masakit puson at balakang.