Baby Girl💞
Meet my baby Margaux Kastherielle Apelo💞 Edd: June 17,2020 Dob: June 15,2020 at 9:40 am Ako nga pala yung mommy na nagsasagot kahapon ng polls while on labor kaso di pinalad di na ko inabot ng 8pm sa pagsagot kasi 12 pm di ko na kaya humawak ng phone sa sakit. Kaya nagpunta na kami lying in kaso 2cm palang daw kaya pinauwi. Next 11 pm naiiyak na ko sa sakit bumalik kami pero 4cm palang kaya pinauwi ulit. Kahit sobrang sakit di na muna ko pumunta ulit kasi ayoko magpabalik balik hassle sa sasakyan wala gaano nadaan, nasstress lang ako. Di na rin ako nakatulog non as in iyak na ko ng iyak nasasaktan ko na din si lip hahaha. Nung nag 6am di na ko makahinga non sa sakit kaya bumalik na kami, naawa na siguro sakin yung midwife kaya kahit 5cm palang daw ienduced labor nya na daw ako. 7am inadmit na ko. Tatlo kami na manganganak yung dalawa kong kasabay mabilis lang cm kaya mas nauna sila halos 2 hrs ako nagintay don grabe sobrang sakit tinawag ko na lahat ng santo hahaha nagsisigaw na din ako sa sakit haha oa. At yun na nga sa wakas mga 9:25 ako na. Sobrang thankful ako kasi ambilis lang lumabas ni baby mga tatlong ire ko lang pero sa pangatlo hiniwaan ni midwife kasi di daw kasya si baby mawawarak ang ano ko. Sobrang bait pa ng midwife minomotivate nya ko kada ire ko. Sya lang yung nagpaanak sakin kasi magaling daw ako umire di na kelangan ng katulong hehe. At ayun at 9:40am baby's out. Bigla nalang nilagay sa tyan ko si baby, nawala lahat ng sakit na naramdaman ko grabe sobrang worth it lalo na yung marinig ko na yung iyak nya. Binihisan na nila si baby habang ako tinatahi. Di na ko makapaghintay naiiyak ako sa tuwa na ewan. Grabe ganto pala feeling pag anjan na ang pinakiiintay ko ng 9 months sobrang saya! Kaya yung ibang mga momsh dyan wag po kayo panghinaan ng loob. Kaya nyo po yan. Fighting!💞