Happy or Not? or maybe just tired?
Masaya pa ba kayo sa buhay may asawa na meron kayo ng partner mo? And why? Kwento naman kayo? #opentopic #munimuni
Minsan masaya minsan nakakainis na. Haha Pero ganun talaga in every relationship walang perfect. If u think na hinde kana masaya pero love mo siya.. Maybe u need to spice things up! Hahaha.. I mean cguru need to do something new together etc.. Relationship is also something u need to work on.
Super happy and blessed.. 😊😊 dahil malaki na tummy ko si hubby na nagsusuot ng underwear ko. Pag my mood swings kinakalma nya ako pero baby boy din minsan hubby ko haha pero syempre dahil asawa mo hirap at ginhawa need nyo magkasama lumaban need mo tanggapin kung anu ugali nya :)
happy naman kasi kahit anung away namin di kmi naghihiwalay still nananatili parin ung pag aalaga namin at pagmamahal sa isat isa kahit minsan may mga challenge na dumadating dalawa kmi humaharap tska if financial naman, di kmi nag aaway sa pera ang mahalaga meron
Happy nmn ako sa partner ko. The fact is hnd na kami nagaaway hahaha actually d nmn tlg kami nagaaway ako lng nangaaway palagi thank god nga at hnd sya nagsasawa sakin pag inaaway ko sya. But anyway kahit ganun nmn ako eh mahal na mahal ko partner ko😊
yes happy, contented and thankful. sobrang thankful ako kasi sya ung binigay na partner ko. :) sobrang bait and responsible. ang tagal kong pinapray ito kay God. for almost 7 yrs single mom ako tapos ayan dumatong ung partner ko ngayon. happy family :)
Pagod na pero mahal ko pa. Pero iniwan ko na. Di nya kasi kami priority mas mahal nya barkada at bisyo nya. Diko kailangan ng sakit ng ulo. I know someday makaka move on din ako. Sanay naman akong walang daddy dalawa kong anak. Okay na kami.
Di sa lahat ng oras/araw masaya, payo ko lang ay kelangan natin makuntento at alamin yung side din ng mister. Kung feeling mo may kulang, kausapin mo o kaya ikaw mag move. Kung dika Na masaya, labas kayo after quarantine 😅
Yes super happy and contented, or i can say na ako na yata ang pinakaswerteng babae sa balat ng lupa for having him as my husband, bukod sa mabait at sobrang responsible na asawa meron din ako mababait na byenan at inlaws ❤,
masaya kung anu kami noon magbf/gf kami ganun parin ngayon di naman perfect yung relarionship namin pero nagkakaintindihan naman kami.open kasi kami sa lahat ng bagay sa nangyayari samin kaya ganun masaya parin kmi😊.
Yes, maayos naman po ang lahat. Eight yrs kaming mag bf/gf bago nagpakasal, inuna namin ang bahay and savings habang wala pa masyadong responsibilidad. Praying soon biyayaan na kami ng baby.