Maliban sa baby cereals ano pa po ba pwedeng kainin ng baby ko 9 months na po sya. Pwede na po ba sya sa rice?

43 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

kahit anong gulay at prutas po. well mashed lang po dapat lalo na kung hindi pa marunong ngumuya si baby. ☺ Pwede na po sya ng rice basta durugin lang po.

Yes, pwede na rice kahit as early as 6 months. sabayan mo ng ulam like nilaga or tinola or boiled vegetables but make sure walang salt or any pampalasa.

Yes, pwede na ang rice. Lagi may rice ang meal ng anak ko nung 9mos na sya. I mixed it with mashed or diced veggies and shredded meat.

Yes, you can give rice na sa anak mo. You can mix it with boiled veggies like carrots, sayote, squash and meat like shredded chicken.

pwede na po siya mag rice and mag ulam. pwede na pong chicken,egg,fish and veggies. mas okay po kung laging may sabaw ang ulam.

yes po ung may sabaw tas sayote, potato carrots. mga biscuits na hnde nakakachoke. fruit juice dn. apples, banana.

Ok lang rice pero yung parang lugaw muna then haluan mo lang mommy ng veggies na mash para may lasa

rice and yung masasabaw.. or blender ka po ng veggies at fruits kung di pa gaano sanay sa solids..

pwede na cya sa rice nung 7 months palang baby ko pinapakain ko na cya pero pakunti kunti

Pwede na po Momshie, pero need po ng supervision nyo. para safe mga kinakain ni baby.