GOOD NEWS!

Malaking hamon rin ang naging sitwasyon ngayon dala ng pandemic dahil maraming mga bata ang hindi man lang makalabas ng malaya. Aaminin ko, maski ako ay nalulungkot para kay Gien dahil hindi man lang namin sya madala sa mga parke o pook pasyalan dahil sa takot at pangamba dahil sa nagbabantang kapahamakan dulot ng Covid-19 virus. Marami ang nagbago gayundin ang umaasa na maibalik pa ang lahat sa dati. Mas lalo akong umaasa at natutuwa dahil alam kong mayroong vaccines na tinutulungan tayo paunti-unting sugpuin at ibalik ang lahat sa dati. Hindi man agaran, ngunit kita ko ang unti-unting pagbabago, nababago at sinasalba ng pagpapabakuna. Proud ako dahil lahat kami dito sa loob ng bahay ay vaccinated na. Dalawa nalang kami ng kapatid ko ang naghihintay ng second dose namin. Kaya naman laking tuwa ko nong malaman kong pwede at mayroon nang vaccines ang ang mga minors 12-17 taon gulang. Sa katunayan ay on going ngayon ang pagbabakuna nila dito sa aming lokalidad. Nakakagalak sa pusong makita na maraming mga kabataan ang interesado at hindi na nagpatumpik-tumpik pang magpabakuna noong sinimulan na nila ito. Nakakatuwang isipin na gusto nilang maligtas ang maprotektahan ang sarili nila at mga mahal nila sa buhay laban sa nagbabantang virus. Katulad man ng iba na may pangamba at takot parin, mas nanaig ang benefits at mga right informations tungkol sa pagpapabakuna. Maraming salamat dahil may bakuna ❤️ Para pa sa mas maraming impormasyon tungkol bakuna, sumali sa amin #TeamBakuNanay sa FB community. #TeamBakuNanay #ProudtobeABakuNanay #AllAboutBakuna #HealthierPhilippines #VaccinesWorkForAll #vipparents

GOOD NEWS!
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

💉💙❤