Papakasalan Ba Ninyo Ung Tatay Ng Baby?
Hi magulo ung isip ko ngayon kung papakasalan ko ba ung nakabuntis sa akin o hindi ng dahil lang sa bata. Hindi nia ako mahal pero handa siyang panagutan kami ng kanyang baby. Kaso andun ako sa dilemma na baka magsisi ako. Pero paano ko malalaman kung hindi ko naman itritry? Ano ang mga pwede ko ikondisyon sa kanya or pwede bang ganun? Sana po maadvisan po ninyo ako. Maraming salamat.

Wag kang magpakasal pero wag ka din makipaglive-in. Sustentuhan na lang nya ang bata, yun na lang kamo ang paraan na gusto mo kung gusto nyang ipakita ang pagmamahal nya para sa bata.
Wag mo muna pakasalan sis. Hindi ka niya mahal sabi ee. Are you willing to take the risk? mag sama muna kayo para makilala mo siya at lalo na kung may baby na kayo dun mo siya makikilala tlaga.
siguro mas ok na mag sama muna kayo kilalanin nyo muna ung isat isa pag sure na kayo saka kayo mag pakasal kasi f ngaun hndi ka pa sure tapos mag papakasal kau mahihirapan lang kau pareho.
Magbasa paNo sis. Wag ka magpakasal kung nagdadalawang isip ka and di rin naman solusyon yung kasal para panagutan niya yung baby niyo pwede niyang bigyan ng sustento at oras yan kung gusto niya.
try nyo po munang magsama sa iisang bahay kahit 1 year lng kung di ok pagsasama nyo mas ok na wag kayong mgpakasal mhirap kasi kpg kasal tapos di nyo Mahal ang isat isa
Kung walang pagmamahal bkit kailanganp magpakasal kayo?bakit ka magpapaka stuck sa bgay n walang kasiguraduhan?gampanan nyo ang obligation nyo ky baby..that's it
Nope. Nangyari sa kapatid ko yan and advise ko sakanila was to not get married dahil mas manageable kapag di kayo nagtagal as bf gf. Magastos ang mag pa-annull.
Kame naman ng bf ko gusto ng parents namin na ipakasal kame ako lang ang may ayaw kaso napag usapan namin na mas pag ipunan ang baby namin bago ang kasal
Kung dhil lang sa baby, no.. sustento momsh hingin mo. . Ska more time p n magkakilala kayo. Mabuti n Yung maingat..Lalo n Kung pkiramdam mo d k ready.
Wag pong magpapakasal ng dahil lang sa bata. Dapat ready at gusto niyo pong dalawa. Hindi po biro ang kasal. Mahirap ng kumawala once kasal na kayo.


