The Red House

#MagandangGabi Sa katabing lote dito saaming Probinsya, merong isang abandunadong bahay na kung tawagin namin ay "Red House". Kaya sya tinawag na Red House ay dahil sa kulay ng bubong at gate nito. Bukod sa sobrang laki ng espasyo nito ay meron din itong malawak na bakuran kung saan tumutubo ng kusa ang iba't ibang uri ng prutas tulad nalamang ng bayabas, pomelo, rambutan at kung ano-ano pa. Sa dami ng mga prutas na meron ito ay iilan lamang ang nangagahas na pumasok at kumuha ng mga nito. Naalala ko dati nung mga bata pa kami , sinubukan naming pumasok sa loob para pumitas ng iilang prutas ng biglang parang mayroong bata na humahagulgol ng iyak sa may bandang likuran ng bahay. Nang marinig namin ito ay agad kaming nag unahang tumakbo papalabas ng gate subalit nung malapit na kami sa gate ay mayroon namang nagpakitang batang babae na kulot ang buhok na naka silip sa ilalim ng underground. Nang maka labas na kami ay kanya kanyang hagulgol sa iyak at takot ang naramdaman namin. Pag sapit ng gabi, ako at ang pinsan kong babae ay nagkaroon ng lagnat at hirap makatulog. Simula nun ay di na kami sumubok ulit na pumasok sa tinatawag naming "THE RED HOUSE" kasi kung titignan mo palang sa labas ay talagang kikilabutan ka.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

😱🎃👻