Tap after Dark

#MagandangGabi, di ko maexplain bakit maraming mga pagkakataon na kapag nasa kusina ako or sa cr, bigla nalang parang kakabahan at matatakot. Matagal naman na kami sa inuupahan naming bahay, 14 years, pero maraming times na natatakot padin ako. At dahil ayokong mafeel din ito ng mga anak ko na madalas ko kasama sa bahay, hindi na lang ako nagkwe-kwento sa kanila. Isang gabi, habang wala pa ang asawa ko at nanonood kami ng tv sa sala, bigla na lang ako naka-amoy bulaklak. Di ko na lang pinansin ito dahil baka matakot ang mga anak ko pero nagulat din ako dahil sabi ng second born ko may naamoy din siyang ganito pati amoy kandila. Pag dating ng asawa ko, agad namin nai-kwento ito sa kanya. At sinabi niya samin na birthday ng father in law ko na namatay na. Baka daw dinalaw kami.πŸ™....

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

πŸŽƒπŸ‘»πŸŽƒ