Nanlaki ang ulo ko sa kilabot
Lumaki ako na hindi naniniwala sa mga kababalaghan. Para sa akin ay mga kwentong katatakutan lamang yun. Hindi ako naniniwala hanggang hindi ko mismo nararanasan. Hanggang nito nga na matanda na ako, isang tanghali sa gusali ng aking trabaho... mula sa ikalawang palapag ng aming gusali ay pababa ako para pumunta sa canteen.. nasalubong ko ang isa sa mga empleyado namin. Pababa ako sa hagdan at paakyat naman siya. Binati ko siya at laking pagtataka ko dahil ang dating masayahin at palabati na kilala ko ay tumingin lang sa akin na walang reaksyon. Inisip ko na baka may iniisip o dinadamdam lang siya kaya ganoon. Habang papalapit na ako sa canteen ay may sumasalubong sa akin... ang empleyado na nasalubong ko sa hagdanan ay nasa harap ko!!! Buong ngiti ang bati niya sa akin gaya ng nakasanayan ko sa kanya... ibang iba sa reaksyon ng nakasalubong ko. Hindi ako nakapagsalita at agad na umakyat ang kilabot sa ulo koπ±π±π± Nanlamig ang buo kong katawanπ± Tinanong niya ako kung bakit parang gulat na gulat ako sa pagkakita sa kanya... gustuhin ko man sabihin pero minabuti ko na lamang na sarilinin ang nakita ko. Nagdasal na lamang ako sa isip ko. Hanggang sa mga oras na ito ay hindi ko pa din maubos isipin kung ano talaga ang nagyari nung araw na iyon. Isa lang ang nasisiguro ko... hindi ko na gugustuhin pang maranasan ulit yun. #MagandangGabi