Need Advise

Long post ahead. I'm 7 months pregnant and a mother of 7 years old (girl). Sobrang selan ng pagbubuntis ko na halos ilang beses na kong nagspotting, nananakit din ang puson at balakang ko. Ngayon hindi ito yung issue ko. Sa sobrang dami kong inaasikaso isa na to sa pinakapinoproblema ko. Actually kami ng husband ko. May anak ako sa pagkadalaga. Different father, hindi kasal, anak niya ung 7 years old ko na daughter. Walang paramdam, sustento o ano man. Nakaapelyido sakanya ung 7years old ko na anak ko. Di na ko naghabol dun kasi kaya ko naman buhayin yung anak ko na 7 years old. Actually, di na siya kilala ng 7 years old ko na panganay kasi nga bago kami maghiwalay may iba na siyang babae at nagpakasal din siya agad dun. Hindi na din siya nageffort na magpakita or anything para maalala siya ng bata. Baka siguro takot sa parents ko o ewan ko baka ayaw niya lang talaga. Kaya hinayaan ko na. Ngayon yung husband ko naman, matagal ko na siyang kilala at kasal na din kami. Nung magbf gf palang kami ang gusto nq ng husband ko e siya na ung kilalanin na anak ng 7years old ko at siya nagalaga, siya nagpalaki, as in siya lahat, gastos sustento hanggang sa mag-asawa kami siya talaga kinikilang tatay. On process na din kami ng adoption ngayon. Para maging legal. Hindi din nagaral anak ko na 7 years old kasi nga conflict sa apelyido. Dahil ung sinanay namin na apelyido niya e ung apelyido ng husband ko ngayon. As in walang school simula bata (kinder hanggang ngayon) pero independent homeschool siya. Yung ako mismo nagtuturo sakanya. Wala ding homeschool provider or hindi registered sa deped, no lrn, etc. As in independent homeschool. Ngayon ang issue ko is, yung parents ko (especially mother ko) iniinsist na inenroll ung anak ko this school year. Actually, di lang ngayon niya ko kinukulit jan. Matagal na. Ang kaso nga, nagpakasal pa kami ng husband ko, nagpoprocess pa kami ngayon ng adoption kaya hindi pa talaga maeenroll. Ilang beses ko na din inexplain sakanya na after ng adoption saka palang ieenroll ang bata. Ipapatake muna namin siya ng PepTest ng DepEd para maalign siya sa kung anong dapat grade level niya. Etong mama ko naman di niya maintindihan kung ano ung mga sinasabi ko kahit na ilang beses ko na inexplain. Kesyo naaawa daw siya sa bata. Kasi di man lang daw nakatungtong ng school. Mabubully na daw siya. Kasi baka pag pumasok siya e maliliit o mga bata kasama niya tapos siya matanda na. Ang sabi ko naman di naman ganun sa PEPtest, inexplain ko nanaman sakanya. Actually ilang beses ko na inexplain. Pero ang lagi niya sinasabi "hindi! Ienroll mo yan!" Pinipilit niya ung gusto niya. Ang point naman naming magasawa e ayaw namin na iba siya sa apelyido ng mga magiging kapatid niya. Siya lang maiiba. Kasi pag once na inenroll namin siya e. Ung apelyido na gagamitin niya ay yung sa biological father niya na. Which is di naman niya kilala. Hindi ba mas nakakaawa yun? Laging sinasabi ng husband ko na konting sakripisyo lang. Pang matagalan naman ung outcome nung sacrifice na un e. Yung anak din namin makikinabang di naman sila. Ang gusto pa ng parents ko ifake ung birth certificate para lang makapasok. Which is ayokong pumayag kasi bat mo pa pepekein kung kaya mo namang ayusin sa maayos na paraan. Kung pekein kasi yan in the end di naman ako o kaming mga matatanda ung magssuffer e. Yung bata pa din. (Wala akong issue sa mga may ganitong birth certificate, o double registered birth certificate, un lang yung para sakin na ayaw kong magsuffer ung anak ko dahil sa ginawa kong actions sakanya before) Ngayon umaabot na sa puntong inaaway talaga ako ng nanay ko dahil dito. Na hindi man lang inisip na maselan ako magbuntis bawal stress. Yung priority nila is dapat maenroll ung bata. Yun din naman ang gusto ko. Kaya nga inaayos. Na hindi naman nila maintindihan. 🥺

1 Replies

VIP Member

bakit dimo itry mii na mag ask sa teacher ng school o sa peptest mismo na kung pde ih ung curent husband mo ang gamitin niyang apelyido habang nag pro process palang kau ng adoptation para maka start na siya ng school niya

pero nakaregister pa din po sa LRN ni baby nio is kung ano nasa BC. nagask din po kasi kami sa private, yun po paliwanag nila samin kasi may LRN daw po bawat student. tska mi kung ipapasok ko siya ngayon fresh from the start siya kasi di siya nagkinder.

Trending na Tanong