MY Boy&Girl Twin Birth Story😍😍😍 #38weeks5days #boygirltwin #september252020 #NSD

Long post ahead. Gabi ng Sept24, thursday, sumama na pakiramdam ko. Yung tipong parang lalagnatin. Inisip ko na lg na baka signs na nga to na manganganak nako. Friday, sept25 ng madaling araw nagising ako kasi nilagnat na nga talaga ko. Uminom pako ng biogesic nun para mabawasan ung sama ng pakiramdam ko,alam ko hndi na kinaya ng katawan ko yung bigat ng dahil sa kambal e kaya ko nilagnat na talaga. Kinaumagahan, tinanghali ako ng gising mga 9am na yata nun. Kimikirot na ung puson ko na parang kumu connect sa lowerback ko. Naihi ako at nakita ko may dugo na. Ginising ko na dn ung asawa ko at sinabihan na manganganak nako. Bit2 na namin lahat ng gamit since 7mos plg ang tyan ko e nka prepare na lahat nun. Naghilamos na lg dn ako,toothbrush palit ng damit at panty. Larga na agad pa ospital. Mga 930am dating namin sa ospital, ie; 9cm na agad2 . Diretso nako sa delivery room ie ulit 10cm na. Umuungol nako sa sakit, natagalan dn ako manganak ung tipong hndi ko na alam pano umire. Ibang iba compare sa panganay ko. Sa pnganay habang sumasakit ansarap ng iire. Sa kambal ko habang sumasakit, masakit lalo iire eh hahaha. 10am baby girl out. Natagalan pa bago lumabas si baby boy ko. Sobrang hirap na dn kasi umire. Masakit. Nakakapagod.nakakahapo. lalo na't may facemask at faceshield ka pang suot. My gad. 11am lumabas na dn c baby boy ko. Sobrang worth it lahat ng hirap pagod at sakit na naramdaman ko nung nalaman kong safe ko silang naipanganak. Laking pasasalamat ko sa diyos at naging ok lahat lalo nat madalang daw sa twins ang mainormal ipanganak at fullterm sabi ng doctor na nag paanak sakin .. Sa mga manganganak. Dasal lagi, it works talaga mga momsh.. Thank you sa mga nagbasa 😘😘😘 *Babygirl Paula 10:28 am 2600grams *Baby boy Paulo 11:22am 2800grams Edd via Ultrasound: Oct 6 2020 Edd via LMP: Oct 4 2020 DOB: September 25 2020 😍😍😍😍😍

MY Boy&Girl Twin Birth Story😍😍😍
#38weeks5days
#boygirltwin
#september252020
#NSD
62 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

congrats mommy woow halos 5kls dala dala throughout your pregnancy ... πŸ˜‡πŸ˜‡

4y ago

thankyou po. opo plus pa ung placenta kong pagka laki2πŸ˜‚

swerte boy and girl agad 😊😊😊😊😊😊😊😊congrats po

4y ago

thanks po mommy😊

VIP Member

Congrats momsh nairaos mo sila via normal delivery. Hirap nuuuun.

4y ago

thankyou po mommy. opo super hirap yung tipong naiiyak nako pero pinipigilan q talagang umiyak hahaha

sana all ako din twinny din dala ko now February pa due ko :)

VIP Member

wow congrats momsh. Normal mo nailabas. πŸ₯° Godbless po

4y ago

yes po hehe thankyou2

Congrats po. Ang galing naman nainormal nyo po ang kambal.

4y ago

thanks po mommy. super sakit mommy pero thankful pa dn at nakaraos na talaga 😁

ang galing khit twins nainormal.. congrats po... 😊

4y ago

hehe opo thank you so much. sobra hirap dn naman

VIP Member

Congrats sis!! Excited for my kambal tom 😍😍

4y ago

thanks po and goodluck😊

wow nainormal mo ang kambal mo... congrats po

4y ago

hindi po mommy full term ko sila ipinanganak. 38wks 5days. mahigit 9months din. inadvice ako ng ob na bawal ang walking/exercise since kdalasan sa twins hindi umaabot ng fullterm. sinunod ko po yun dito lg ako sa bahay pero gumagalaw galaw pa dn naman ako like linis ng bahay walis hugas plato laba konti sampay basta wag masyado mabibigat at wag mgpakapagod ng sobra mommy. pag umabot ng 2kilos ang bawat baby no need naman nila na e'incubate po.

wow cute nman galing mo mommy congrats😊😊

4y ago

hehe thanks po momy. super woman talaga tayong mga babae😁