Scary Ate Story

Last month, tumuloy dito samin yung byenan ko at yung isang apo nya na 4 years old. Dun sa kwarto nila laging nakabukas yung bintana since mainit kahit gabi. One night, habang naglalaro yung pamangkin ng husband ko sa kwarto nila(4 year old girl), bigla na lang sya umiyak tapos tumakbo papunta sa kwarto namin. Halatang sobrang takot na takot. Tinanong sya ng lola nya bakit sya umiyak. Tinuro nya yung bintana sabay sabi "scary ate" daw. Nagulat kami kasi never naman kami nakakita or nakaramdam dito sa bahay namin ng kakaiba. Tinanong pa sya ng lola nya sino yung scary ate, ano daw itsura. Color black daw. After nung nangyari nakasara na lagi yung bintana pag gabi and nakababa yung kurtina. P.S. Dito kami natutulog ng anak ko ngayon kasi ginawa ng office ni Hubby yung kwarto namin na tunay. Hindi na nahihimbing ng tulog yung baby ko eversince. :'( #MagandangGabi

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

😱👻👻