Pakikipagkaibigan

Kwentong kababalaghan #MagandangGabi Mga kamommy and daddy kwento ko lang sa inyo yung sobrang nakakakilabot naming karanasan... 4yrs old ang anak ko ng napag pasyahan naming lumipat ng bahay at bumukod sa mga magulang ng asawa ko. Ayaw man kaming payagan ng mga in-laws ko nagpatuloy pa din kami at bandang huli pumayag na sila since malapit lang naman sa bahay ng magulang ko. Ok naman ang bahay pero bukod dun parang ang creepy sa gabi. Both kami ni mister nag tatrabaho at naiiwan sa bahay na yun ang nanay ko at anak ko. Pero mas madalas daw na ayaw ng nanay ko dun. Mga makailang beses na din nangyayare na laging bukas ang gripo sa banyo pag pupunta ang nanay ko sa bahay na yun para kumuha ng damit at ibang gamit ng anak ko. Minsan pang bukas ang ilaw sa sala, banyo o kwarto kahit na sure naman daw syang napapatay nya yun kasi oc din ang nanay ko. Pinag pawalang bahala ko yun at nagdasal lang sa twing gabi. Twing umaga ay mas nauuna ang anak ko magising at madalas syang nasa terrace namin nakalocked pa din ang gate at madalas lang syang nakatanaw sa kapitbahay o nag lalaro. Mga ilang araw pa biglang nilagnat ang anak ko. Patuloy pa din akong pumasok sa trabaho dahil di naman kataasan ang lagnat nya. Pero isang umaga nagulat ako na parang nagdedeliryo ang anak ko. Iyak sya ng iyak pero bago yun naglalaro lang naman sya sa tabi ko habang nakahiga kami at pinag patulog ko ang pagtulog ko ng hindi naman malalim na tulog. Grabe yung kilabot ko na pati hangang ngayon na nagtatype ako para ikwento ito ay nangingilabot pa din ako 😳😳😳.. parang nasa hikay ang iyak ng anak ko. Nakamulat ang mata nya at umiiyak, tumatawag ng mommy pero parang ang layo layo nya!! Sa sobrang takot ko binuhat ko sya kahit napaka taba nya at dali dali ako napatakbo sa gate namin pero naka locked pa din ito 😭😭 tinawag ko ang katapat namin at nakiusap na tawagin ang nanay at tatay ko! Manghihilot sila at alam kong alam nila ang gagawin. Ganon pa din ang anak ko at pag tumitingin sya sakin parang may nakikita syang di namin nakikita at takot na takot sya. May ginawa ang tatay ko hinipan nya sa noo ang anak ko at nahimasmasan. Kahit na ganon pumasok pa din ako sa trbaho dahil ayaw kong umabsent at sakto naman na padating na ang daddy nya galing panggabi at pwedeng sya ang mag bantay sa bata. Ng kinagabihan pag uwi ko ok ok na anak ko at iniuwi ko na sya sa bahay na yun.. wala na din syang lagnat at di din pumasok ang asawa ko ng gabing yun para bantayan kami. Ng magluluto na ako sa kusina, bigla na naman umiyak ang anak ko at ganon na naman na parang napaka layo nya! Hindi nya kami kilala lalo na ako nakatingin lang sya sakin sa kusina na parang takot na takot!!! Sobrang nakakakilabot ng tanggalin namin ang sando nya!! Mag malaking kagat sa likod nya!! Oo malaking kagat na parang di galing sa tao!! Nilinisan at binihisan ko sya kaya sure ako na walang kagat sa bahaging yun! Sure akong bago ang kagat pero bakit biglang ng violet agad!! Nakakakilabot!!! Dinala ulit namin sya sa magulang ko at ganon pa din pag nakikita nya ako natatakot sya!! Iyak na ako ng iyak ano nangyayare!! Pumunta kami sa albolaryo ng gabing yon kasama ang byanan kong babae!!! Di sya naniniwala sa ganon pero sa pagkakataong iyok nangingilabot sya nangyare na bakit may kagat sa likod ng anak ko!! Hanggang sa lumitaw sa ginawa ng albolaryo na may tatlong maiitim na nilalang na nakikipag laro sa anak ko at sobrang nacucutan daw sa bata at ayaw na syang lubayan!!! 😭😭😭😭 Sa sobrang charming at bait ng anak ko lahat daw ng tinatapakan nya ay kinakaibigan ng anak ko!! Na totoo naman dahil nuon baby pa sya ay mga duwende naman ang nakipagkaibigan sa kanya. 😭😭😭 Kaya naman daw sa akin natatakot ang anak ko kasi pareho kami ng mga maiitim na yun na mahahaba ang buhok 😭😭😭 ng gabi ding yun alis kami sa bahay na yun kahit na nagdeposito na kami ng pang matagalang bwan!!! Bumalik kami sa magulang ng asawa ko at nagpaputol na din ako ng buhok. Bukod dun ay binigyan din kami ng pangontra ng albolaryo. πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™ Kayo mga mommies and Daddies anong kwentong kababalaghan nyo???

Pakikipagkaibigan
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

πŸŽƒπŸ‘»

Related Articles