Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So dapat padedehin si baby, para magkagatas tayo. Kaya no. 1 na nakapagpapawala ng breastmilk is kung mix feeding kayo. The more na magbigay kayo ng formula milk, the less breastmilk ang kakailangin ni baby kasi mabubusog na sya agad sa fm. Therefore it will signal your body to produce less milk. And soon enough, mawawala na ang bm nyo. Try reading more about the TOP-UP TRAP. Kung gusto po maging sapat ang milk supply for baby, bawasan/ tanggalin ang formula and unlilatch si baby. Make sure na naka-deep latch si baby. Ang problema rin ay kung nipple confused na si baby at hindi na marunong maglatch. Pwede rin po kayo magpump to signal your body to produce more milk.
Anil Espinosa