May kaunting trust issue ako sa mga kamag anak ni hubby especially sa mga cousins nya sa mother side. Di ko sila feel pero pinapakisamahan ko naman sila. Kaso pagdating kay baby, gumagawa ako ng way para di nila masyadong buhatin si baby ko. Hanggat maari yung Mother in law ko lang kasi apo nya naman yun. May comments pa yung cousin ni hubby na dapat pinapakain na ng kanin yung 9 nonths old na baby, gusto ko sana sabihing "anak ko yan, ako masusunod" nagtimpi lang ako kasi alam ko yung personality nya napaka war freak nya. Tapos one time nakalusot yung cousin na yon ng hubby ko, itinakas nya yung baby ko papunta dun sa bahay nila. Pinahabol ko agad kay hubby kasi di ako napapakali lalo na pag hawak nun, di talaga palagay loob ko sa kanya lalo pagdating sa baby ko. Valid ba itong feeling nato or masyadong lang ako maselan para sa anak ko?
#firstbaby