Hello mga mommies

Kamusta mental health niyo? Normal ba tong nararamdaman ko na laging nag ooverthink tapos yung hindi pa mangyayare iniisip ko na 🥺 nasanay akong kumilos nung di pa ko preggy, pero dahil maselan ako bed rest lang. Nakakapag overthink tuloy ako palagi. Minsan may takot din sa isip ko na kung makakaya ko ba alagaan si baby paglabas niya, natatakot din ako pag malapit na kong manganak. Andaming doubt sa sarili ko kung kaya ko ba yung haharapin, na sana ibigay na samin si baby kasi rainbow baby na namin to. #pleasehelp advice naman po mga mommies. Ako lang ba ganito? 🥺

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

parehas tayo sis. pero pilitin isipin ang mga positive na bagay 😊 rainbow baby din namin ito. pilitin natin hwag mag isip kahit minsan talaga di maiwasan. same din tayo stop ako sa pag wowork now. dami need iadjust pero para sa baby natin aja lang.. labaaaaan 💕💪 di ka nag iisa sa ganyan sitwasyon. nuod nuod ka lang youtube na mga pampa goodvibes

Magbasa pa
2y ago

Thank you sis. Godbless sainyo ni baby🥰

sis hnd makakahelp ang pag oberthink mo. dpt ang nilolook forward mo is Your babies 1st bday, first walk, first words mga ganun be. Positive things lang sis. Kapag ganyan stress ka hnd din maganda epekto sa baby mo. Kaya nuod ka ng mga good motivational movies.

2y ago

Salamat po sis