....................

Hi, kakapanganak ko lang last week, may natitirhan naman kami ng asawa at anak ko kaso sa side lang ng asawa ko na bahay. Madali lang nila nakukuha sa akin si baby na parang laruan lang gigisingin nila after ko mapatulog. Naiinis na ako pero di ako makapagsalita bilang nanay nung bata. Di ko din masabi sa partner ko na ayaw ko na basta basta lang ang pagkuha sa anak ko kahit days palang sya nandito. Nag aalala ako kada kuha nila dahil pagkagaling sa labas isang alcohol lang nila kala nila okay na sa akin na kunin si baby sakin. Tinanong ko partner ko kung kelan kami aalis dito, ang sabi nya lang hindi nya daw kaya. #firsttimemom

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Let him know your feelings and be firm. As the mom ikaw dapat ang may say sa mga ayaw o gusto mo gawin ng iba para sa anak niyo. Learn to say no as well sa iba, but do talk about it with your partner first. Kailangan kasi firm din sya sa family niya about sa rules niyo kay baby. Kung di niya yan magagawa, pilitin nya na ibukod kayo ng mas malayo

Magbasa pa