Pasagot naman po first time mom

Kagabi po super sakit ng balakang at sumasabay po ang puson ko d na alam kung oaanong pwesto ang gagawin btw 37 weeks na po ako at EDD ko is dec.13 super sakit ng balakang ko at puson hanggang ngayong umaga madalas na din po ang pag tigas ng tiyan ko Yung pagtigas ng tiyan ko is nakaumbok Yung Isang side kumbaga parang bakat si baby Ganon sya pag naninigas naka umbok Yung kabilang side at masakit sya labor na po ba ang nararamdaman ko

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung ang paninigas ay bakat ni baby, hindi sia contractions. based from experience, sumakit ang balakang ko, meaning malapit nako manganak. nawala rin kasi ung sakit. after 3 days, tsaka ko naramdaman ang active labor. but still depends, hindi tau pare-pareho. ang active labor ko ay nagstart sa feeling na nadudumi (nagising ako at 1am, pabalik balik sa cr) then nagkaroon ng persistent contractions. ito ay panndaliang pagtigas ng tummy then magrerelax ulit. persistent meaning mayat maya na hindi nawawala. palapit ng palapit ang interval. pasakit ng pasakit until dko na kayang maglakad. lakad kasi ako ng lakad sa hospital para tumaas ang dilation. nanganak ako ng 5pm, same day from start of labor.

Magbasa pa