Hindi mapakali si baby

Kabag lang po ba ang main reason bakit iritable si baby, lalo na pag antok na antok na sya. Madalas kasing buryong buryo sya 1month and 11 days plang po baby ko, first time mom po. Kagabi iyak siya ng iyak di ko mapatahan ginawa ko na lahat ng nababasa ko massage yung tummy nya ng manzanilla ( i love you massage) tapos ginawa ko din yung bicycle massage, pinalitan ko ng damit at pampers, sinayaw sayaw ko na busog din naman kasi tinutulak ng dila nya yung bote nya. Kahit antok na antok na sya para di nya nakukuha yung tulog nya. Mainit dito sa bahay lalo na pag tanghali iba kasi structure netong inuupahan namin swerte na lang kung naulan kasi malamig konti. Kaya oag tanghali tas d sya mapakali nilalabas ko para lang mahanginan. Pag gabi naman iiyak pag d nakukuha yung tulog nya. Kamot pa sya ng kamot sa mukha. Normal lang po ba sa baby yung ganun?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. Isa rin sa reason boredom. Sa baby ko ganon, ginawa ko na lahat, pero umiiyak parin, hanggang sa naoobserve ko tuwing 8pm-12mn lang siya ganon. Yun yung active hours niya, so in-entertain ko. Bukod sa isayaw, nilalaro ko, pinapatugtugan, kinakantahan at kinakausap ko, mga ganon po.

Magbasa pa
2y ago

Thank you po

When the baby reaches 5th-6th week po, magpapalit ang sleeping pattern nila. Bumababa na po kasi ung melatonin level nila na nakuha nila saten when we give birth. This the time po na nagpo produce na sila para sasarili nila. Kaya expect na po natin ang difficulty in sleeping.