#TeamJuly2024
Hello Ka-team July, sino po dito nakakaramdam na ng paglabas ni baby..? Ako po wala pa, malikot parin si baby, normal po kaya yun? 38weeks and 3days.. EDD July 21, 2024.. Ano napo napifeel niyong mga sign? Excited napo ako but at the same time kabado..pang 3rd ko napo ito 8years kasi bago nasundan kaya nakalimot na..😅 Ano po mga ginagawa niyo para di mhirapan manganak? Di po kasi ako nkakapaglakad lakad sa umaga..
EDD ko po July 31 bumibigat palang bandang puson saka maghapon na malikot si baby iba na ang pwersa nya sabay na ang tulak nya sa puson hanggang ribs pag di ako nakakapaglakad nag stretching po ako at deep squat, excited naden ako mommy sana manormal ko first time mom.
37weeks and 5 days ako ngayon, masakit na kiffy ko at hirap maglakad. minsan naninigas bigla. Pero wala parin. Gusto ko na nga manganak. July 26 edd ko. More walking ka lang po, squat and if may stairs akyat baba. I suggest nood ka po ng breathibg techniques while in labor
Magbasa pasame mhie July 26 rin EDD ko inom lang ng inom ng pine apple in can at pine apple fruits then more lakad pa malapit na araw nalang hinihintay,