Pwede ba magkamali ang ultrasound results?

Hi I'm first time Mom . Gusto ko Lang magtanong Kung pwede ba magkamali Ng weeks Yung ultrasound Kasi po ang bilang ko po 7 months palang Itong baby ko dahil 7 months palang ako Di dinadatnan Ng regla . And nagulat ako nagpa ultrasound ako kanina naka Lagay dun is 33 weeks and 1 day na sya . May possibility ba magkamali? Mali din po Kasi nasabi ko Sa ob ko na last menstruation ko. Sana may sumagot Kasi nagwoworry ako Sa asawa ko Baka isipin niya Di sya ang ama Ng dinadala ko.

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

mommy pag ganyan Yung nakalagay sa ultrasound mo ibig sabihin Nyan Malaki na baby mo kaya don't worry Kasi binibase lang nila kung gaano na kalaki baby mo kaya mag diet kana. Ako nga nong unang ultrasound ko 6 months sinabihan din Ako non ng OB na Malaki na baby ko at iba Yung counting nila sa counting natin kaya sinabihan na Ako mag diet.

Magbasa pa

laki na ni baby mo po momsh... baka need na ng diet para po di hirap manganak.. sakin kase di na ko inadvisan na mag diet kase maliit c baby ko pero days lang nman di sya nalalayo sa bilang ng LMP ko. ☺️ bawas talaga sa rice momsh.

VIP Member

yung ultrasound kc binabase nila sa laki ni baby... 7months din tiyan ko nun tas nakalagay sa ultrasound ay 33weeks pero base sa LMP ko ay 30weeks lang ako nun...

1st ultrasound binabase ni ob. mas maaga ang ultrasound mas mainam. though my sarili din silang computation according sa 1st day of last menstruation mo...

Ako mi ganyan din 33 weeks Ako pero Ang baby ko 35 weeks na. ibig sabihin lang Po non Malaki Si Baby sa age of gestation nya.