hi, I was 36 nung first pregnancy ko and sobrang uncontrolled po yung diabetes ko kasi since 22 years old never ako nag te take regularly ng gamot. Hindi ko sya prinioritize na mag pa tingin sa endo although may recommendations ako ng ob ko to consult an endocronologist. Akala ko enough na yung every week nasa OB ako. First tvs, yung heartbeat nya is 75 bpm lang. Unfortunately, hindi kinaya ng baby nag spotting ako then tvs shows na wala na heartbeat at di na lumaki yung baby supposedly 8 weeks na sya dapat nun pero yung size nya is pang 6 weeks and 1 day lang. Now I am pregnant again and this time hindi ko na inulit yung same mistake ko. Priority ko na is magpa endo and so far I am currently 10 weeks pregnant. Sacrifice talaga dapat para healthy si baby. I was told na nalalason daw sa baby pag sobrang taas ng sugar and nahihirapan mag karoon ng oxygen sa blood dahil sa lapot ng dugo. Btw, yung sugar ko pag di controlled ranges from 234 pag bagong gising to 390 pag nakakain.
Magbasa pa