anong mga extreme na ginawa nyo nung di nyo pa alam na buntis kayo?
I'll start first.. nung Chinese New Year, February 10, nakigulo pa kami sa Binondo at nakipag agawan ng binabatong kendi sa motorcade hahaha. 5 weeks na pala ako non. 😅 #TeamOctober
Ako Mommy, uminom pa ako ng alak nun pero di naman hard. Tinuruan pa ako ng partner ko panu magdrive ng motor. Nalaman ko kasing buntis ako nung 4 months na. Tapos nung nagpacheck-up ako ayun may heartbeat na at saka pa lang ako uminom ng mga pre-natal vitamins at gatas.
mii same tayo hahaha. naki Chinese New Year kami sa Binondo. naki pila ng matagal sa mga resto. naka tayo ng matagal kakagala. buntis na pala ako nun. 😅
oo mhie sa unang mga weeks pa naman ang bilis talaga makaramdam ng pagod tapos gusto mo makipag square sa jowa mo pag gutom ka. buti na lang may Binondo bites na, rice in a box to go habang nsghihintay ng parada. di naman nakasalo ng angpao o tikoy. 🤣
nag rides at nakapag swimming pa, for the talon talon pa ang ferson kapag malakas yung alon tapos inuman magdamag 😂
buti lakas kapit ni baby kahit patalon talon ka mhie haha nahilo din sa alak 😅
panay byahe ako.. naimon p ako ng gamot nung nagkalagnat ako.. panay inom din ng softdrinks.. nku bawal pala
same po, nagbyahe pa din kame, motor motor pa. puro junk food at softdrinks. wala kasing symptoms saken. nalaman ko na 13 weeks na ko, naloka ako sinabi ko lahat sa ob pinag gagawa ko. Thank God, ang lakas ng kapit ng baby.
Nakipag-inuman ng hard simula hapon hanggang madaling araw HAHAHAHA shookt ang ante nung nalaman ihh 😂😅
omg may hangover din si bby hahaha kamusta po? ilang weeks na?
2 times nag motor kasama si hubby 6hrs ang byahe. 1 month preggy na pala
ok lang yan mhie mas safe motor kesa sa tricycle. 😅
Soon to be Mom