Tanong lang po! Please Help! 😭

Ilang days na po kase humihilab yung tyan ko. Nung friday may lumabas po saking brown discharge pero yung pain po sasakit po sya pero kapag tinulog ko nawawala po. Nung Saturday naman po ng madaling araw may lumabas naman pong madaming clear white na discharge sakin tas humilab po tyan ko at balakang pero kaya ko pa po yung sakit nung nakatulog po ako kinaumagahan nawala po ulit pero may pasumpong sumpong parin tapos kahapon po ng madaling araw ulit hindi na po ako makatulog non hanggang 3am sumasakit na po yung balakang ko, singit at tyan tapos pinilit lang po ako nung mother ko matulog kase wala pa daw po yun wala naring lumabas na discharge sakin. Nagising po ako ng 6am medyo sumasakit sakit parin tyan ko kaya nagpareseta po ako sa OB ko ng primrose tapos ngayon hindi na sya humihilab nawala narin ang sakit ng balakang ko. Ano po kayang nangyari? #pleasehelp #pregnancy

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nag contractions po kayo mommy pero false labor po, pag tuloy tuloy po Ang contractions at every 5mins interval malapit na po lumabas Nyan si baby. Goodluck po mommy have a safe delivery :)

Related Articles