Nakakaiyak na mag hintay

Ilang araw na akong stuck sa 4cm panay paninigas at konting kirot lang. 2nd baby ko na to at alam kong magkukusa lang si baby pag gusto na nya lumabas pero nakakaiyak talaga. Naiyak na ako sa kakahintay. Napakalaki na ng tyan ko at alam kong nasa 4 kilos na si baby. 38w 4d via TVS, 41w 2d via LMP. Literal na naiyak talaga ako sa inip. Gustong gusto ko na makaraos kasi napakabigat na ng lahat. May toddler pa akong binabantayan. Limited nalang kilos ko dahil sa laki ng tiyan ko. Yun lang. Gusto ko lang mag vent out. Alam kong may nakaka relate hahaha sana makaraos na. Pagod na ako. At last pregnancy ko na talaga to. Don't get me wrong. I love having kids, but I don't like being pregnant lang talaga :((

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

1cm ako simula 37 weeks. 39 weeks 2cm Sobrang bagal. 40w and 5d nastock sa 5cm kaya pinutok nila panubigan ko sobrang sakit after 2hrs nanganak na po ako. Sobrang patagtag na ako nun saka inom ng kung ano ano.

same here miee.. di ko na alam gagawin kooo. 40 wks n 4 days 1 cm pa din walang progression kahit anong gawin ko balik balik lng sa clinic nakaka frustrate na

Magbasa pa
3w ago

Not sure ako kung nakatulong yung pineapple juice mi pero baka rin gusto mo subokan. Halos araw2 pineapple juice ako simula 37w

inom lang po kayo ng salabat pampahilab yun, saka evening primrose tlaga na nilalagay sa pwerta pinaka effective

😥😥😥