Anesthesia Epic Fail During CS
I went for a scheduled CS, earlier sya ng 2weeks sa due date ko talaga. Syempre excited ako. π But my excitement is napalitan ng traumatic experience at nag promise ako na di na ko magpapabuntis pa kahit kelan. π€£ To make my story short, hinihiwa palang ako ramdam ko na ang sakit and the worst is parang di sila convinced na nakakaramdam talaga ako hanggang na ni-reretractor na nila ang tummy ko at ilinalabas na si baby kasi nagpumiglas talaga ako sa sobrang sakit. Yung paa ko numb at di ko maigalaw pero yung buong tiyan ko ramdam ang lahat ng sakit bes! π₯΅π€―π΅βπ«π΅ Iyak-Sigaw ako habang ginagawa nila ang procedure. Mas masakit pa sa labor pain at vaginal delivery ang dinanas ko, GRABE! π₯΄π₯΄Saka na siguro naniwala yung anesthesiologist na nakakaramdam ako ng napigtas ko na yung tinatali sa kamay at tinurukan na nga niya kaagad ako ng General Anesthesia so hindi ko na naramdaman ang pagtahi sakin. Nag blood transfusion sila sakin since madaming bloodloss. Struggle was real na real, but God is so GOOD at nalagpasan ko padin at healthy si Baby Girl ko. ππ