Paano malaman kung pinutok ba ni mister sa loob o hindi?

I just want to know po if paano malalaman kung pinutok po ba ni mister sa loob o hindi pinutok? Dahil sa tuwing magtatalik po kami hindi ko po talaga alam kung pinutok nya po ba dahil grabe din ang emosyon ni mister at hinihinto ko po agad at hiniwalay ko ang katawan ko sa kanya kapag exaggerated emotion na sya dahil akala ko pinutok nya na sa loob base sa reaksyon nya. Kaya po gusto kong malaman kung anong senyales kapag naiputok sa loob, after kasi namin mag halik ni mister, I always check my private part at ipinapasok ko ang daliri ko at meron din kasi akong natuklasan na parang malagkit na color white baka kasi sperm nya yun o baka orgasm ko lang din. Hays hindi ko talaga ramdam if ever ipinutok nya talaga. Ayaw rin kasi namin mag condom pero hindi kasi satisfying ang sagot o pagkasabi nya na hindi nya talaga pinutok. sa sobrang praning ko twice a month lng akong nagpapatalik kay mister naaawa nga po ako dahil alam kong bitin sya Eh kasi po 1yr old pa lang baby namin ayaw ko munang sundan. At wala pa talaga akong family planning po natatakot po ako dahil ayon sa iba kong kakilala posible daw magkaroon ka nang cease o bukol dahil po yan sa chemical nang pills or implant po takot po talaga ako magkaroon nang surgery o anoman ingat na ingat po ako sa kalusogan ko po.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Si mister po talaga ang makakasagot kung ipinutok nya sa loob o hindi. At the same time, maraming magsasabi sa inyo na nabuntis sila kahit withdrawal/ hindi ipinutok sa loob dahil sa tinatawag na precum/ pre-ejaculation. Kaya kung ayaw pa po mabuntis, kailangan nyo po ng more protection. Hindi po sapat na twice a month lang kayo magsex if yung kahit na once lang ay matapat naman sa fertile period nyo. Kung regular period po kayo, I suggest that you at least use the calendar method along with the withdrawal para mas safe kahit papaano.

Magbasa pa
Related Articles