Depressed, hindi nakakatulog, nakakain at may suicidal thoughts habang buntis ako

I am a single mom with 2 kids, married pero hiwalay na almost 8 years at and dad ng mga kids ko ay meron ng family at may baby nadin. May Partner ako na almost 2 years at ayaw sakin ng Pamilya kahit hindi pa ako nakikilala dahil nga kasal na tao ako at ang nagbigay ng info na to sa magulang at kapatid ng ex ko ay ang ex nyang hindi pa nakakamove on sakanya. Hindi ako masamang tao at napaka strong kong babae at lahat ginagawa ko at binubuhos ko pagdating sa mga taong mahal ko at alam yan ng mga taong nakapaligid sakin. Sa pagsasama namin, nabuntis ako nung November 2023 at sobrang maselan ang pagbubuntis ko buong 1st trimester akong dinudugo at Jan. 2, 2024 muntik na ako makunan at naconfine ng 4 days. Same month nag memessage ang kapatid ng ex ko at nagsesend ng single na babae na dapat daw ayun daw ang kinakasama ng ex ko at wag sya maging kabit. May mga masasakit na salita pa akong nabasa kesyo “magaling na yan mag romansa kaya nga dalawa na anak nyan, kahit itlog mo kayang kayang kainin nya. Nagpadala ka masyado sa romansa” Sobrang pang babastos nya sakin at umiyak na lang ako dahil hindi ako mapagtanggol ng ex ko. Sabi ko naman sakanya na pwede ka naman sumagot ng may respeto. Na sabihin na hindi ako ganun klaseng babae. At dapat uuwe ang ex ko nun sa Province pero sa sobrang sakit nung hindi ko napauwe sa Province and ex ko at bumawe na lang pag nanganak na ako. Hindi inaasahan. Feb. 7, 2024, Lumuwas ang ex ko dahil confine ang tatay nya, ilang days pinalakas ko ang loob nya dahil alam ko kung gaano sya kaclose at kamahal ang tatay nya until Feb. 11 kinuha na sya ni Lord. May ilang weeks akong nag adjust dahil alam kong masakit para sakanya yan hanggang sa nararamdaman ko na nanlalamig na sya. Palagi ko tinatanong kung may iba ba syang kinakausap or may iba bang nag cocomfort sakanya? Palaging sabi nyang wala. Minemake sure ko na andito lang kami ng anak nya at mahal na mahal namin sya at nakasupport kami sakanya palagi. Gang sa tumagal ng ilang linggo na natitiis nyang hindi ako imessage at kung ano ano na naiisip ko. Pero palagi nyang sinasabi wala at sya ang laging galit. Hanggang sa nakabitiw sya ng salita na hindi na nya ako mahal last year pa. April 2023 gusto na nya ako iwan nun at tinanggap nya ang offer sa ibang lugar pero yun ang way nya to escape pala sa relasyon namin daw pero naawa daw sya sakin everytime iiyak ako at mag bebeg at November 2023 gusto na nya umuwe ng Province. Iyak lang ako ng iyak at bukas na daw kami mag usap at kinabukasan sinabi nya dala lang daw ng galit kaya nya nasabi yun at mahal nya daw kami lalo na si baby. Weeks after nararamdaman ko na cold mga messages nya. March 9, 2024 nag handa ng gender reveal ang mga kaibigan ko at nagsabi ko na sana makagawa sya ng way na sana makapag VC man lang para makita ko reaction nya sa revelation ng baby nya pero hindi nya ginawan ng effort. Then the next day nag message sakin ex nya at tinanong kung sya ba daw tatay ng anak ko and sinabi kong oo. hanggang sa sinabi nya na alam mo bang nilalandi ako nyan ng Feb. 22 and 29. Nung una hindi ako naniniwala dahil hindi ganung klaseng tao ang ex ko at hindi ko nakita ang side na yun sakanya. At sinabi pa ng ng ex nya na nag sesend daw ng “dick pic” at wala daw syang intensyon manggulo. Sobrang iyak ko na agad nun at sobrang sakit sakin. Hindi ko lubos maisip na ganun tao yung kinasama ko. Asan ang respeto nya sa kakamatay nya palang na tatay at sakin na maselan magbuntis at nagmamakaawa na kausapin kami lagi ni baby pero nakakayang makipag VC ng 1hr sa ex pero sariling gender reveal hindi nakagawa ng paraan. Hanggang sa nag send ako ng screenshot ng convo namin ng ex nya at makikita nyang kalmado akong kausap ex nya at hindi ako naniniwala sa sinasabi nung girl. Sabi ko “hihintayin ko explanation mo, kakalama ako”. Naghintay ako sa paliwanag nya pero bigla nya akong shinutdown. Gang sa 3 days pilit kong tinawagan at sinabing ayaw na daw talaga nya wala na daw pagmamahal nya sakin last year pa ng April pero bakit binuntis pa nya ako? Sinabi nya hindi nya daw ineexpect na mabubuntis ako. Pero 1st year palang namin gustong gusto na nya akong mabuntis at nung August 2023 tinatry nya ulit ako buntisin kasi natatakot sya ginawa nyang kasalanan baka gumanti ako sakanya or maghanap ng iba tas biglang hindi na pala nya ako mahal last year pa? bat hinayaan pa nyang gawin sakin to? At binigyan ko pa sya ng chance nung niloko nya ako dahil sabi nya hindi nya sasayangin yung chance na binigay ko. Sobra yung pghihirap na ginawa nya samin ng baby ko. Wala akong peace of mind, hindi makakain at makatulog. Nagalit ang OB ko dahil imbis na padagdag ng padagdag timbang ko, nababawasan pa. Kung sino sinong mga kaibigan ko ang naiistorbo ko para pakalmahin ako dahil hindi ko matanggap ang ginawa nya sakin despite of maganda pinakita ko sakanya. Kesyo ayaw na daw nya dahil nawala na daw respeto nya sakin dahil 2x na nya akong niloko. Ramdam ko na sinisisi nya din ako na kung pinauwe ko daw sya ng January sana nakasama nya Papa nya bago mamatay. Ginusto ko ba ang nangyare? Naconfine ako at yung kapatid nya nagmessage ng ganun sino makakampante. Sabi ko sakanya nun pag nanganak ako walang problema kahit palagi syang umuwe at isama pa si baby pero hindi ko naman alam ang mangyayare. Kasalanan ko po ba yun? Ngayon, hindi padin ako okay dahil sumasagi sa isip ko buti pa sya nakakatulog ng mahimbing pero unti unti lumalaban ako para sa mga anak ko at sa bagong baby ko. Hindi ko lang matanggap na sya nakakatulog ng maayos na sarili nyang anak hindi nya naiisip kung okay lang ba. May ganun pala talagang lalake. Nakakalungkot lang. Sobrang hirap lang tanggapin ang nangyare sakin. Puno ng galit ang nararamdaman ko at nag sisisi ako na dumating pa sya sa buhay ko.

4 Replies

our story might be different, but I, too is suffering from depression because of my partner. nafefeel ko.yung pain mo, ftm ako pero hirap na hirap ako makamove on. he just left without saying anything and never na nagparamdam, ginhost niya lang ako. sabi nila we need to be strong. pero pag may batang involved ang hirap lalo. hindi na sarili mo maiiisp mo, yung dinadala mo na. umaabot na ko sa.point na gusto ko na tapusin yung pain, kaso naiiisp ko fam ko. ( magisa lang ako, wala alm fam.ko na buntis ako baka di nila matanggap) same tayo sa part na ung ex ko din nahpupumilit mag anak kami until napapayag niya ko. pero lahat ng promises and plans niya na sinabi sakin wala na. iniwan niya ko kung kelan may baby ng involved. sinsbai niya mahal na mahal niya kami ng baby ko pero nawala n alang siya bigla. he's just enjoying his.life while my baby and i is suffering right now. wlang araw o oras na di ako umiiyak. I'm currently in my 2nd tri but I'm bleeding a lot. I never asked for anyone's help kasi tago lahat. lalo na ikaw may mga anak ka pa na pinapaalaki, need ka nila maging strong. I want to give you a hug and tell you not to give up. pero emotions mo yan walang makakapgdikta. All I have is God. Talk to him. Pray mii. Di madali pinagdadaanan mo.

I won't blame you. maiisip mo talaga na baket ako lang? dalawa kami gumawa? baket ako lang nahihirapan. habang siya alam ko inenjoy niya buhay niya. Di lang ako mapanggulong tao, kaya kahit may alam ako sa kanya hinahayaan ko na lang. wala din mangyayari sa revenge kaw lang din magsuffer dun, doble pa. Let him be. sobra mahirap mii. sa ngayon tayo nasaskatan, nahihirapan. pero dadating din yunb panahon na sasaya din tayo.

praying for you and your baby. di ko maimagine kung anong sakit nararamdaman mo ngayon sana maging okay ka bukas at sa mga susunod pang araw.

VIP Member

pray mii. wag masyado magpaka stress ma iistress din baby mo. kawawa kids mo pag tinuloy mo naiisip mo.

napakasakit mommy :(

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles